Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, nanghinayang kay Aga; kontrabida role, iwas muna

AMINADO si Arjo Atayde na nanghihinayang siyang hindi nakatrabaho si Aga Muhlach para sa Miracle In Cell No. 7 dahil kasabay iyon ng taping ng Bagman 2.

Malapit na kasing muling mapanood sa iWant ang Bagman 2 ng actor na mas maraming artistang mapapanood ngayon at mas maraming revelation.

“Mas maraming characters ngayon at mas maraming revelation ngayon tungkol sa mga kababaglaghan dito sa Pilipinas. Very interesting, kahit ako napa-wow sa script. Nangyayari pala iyon,” kuwento ni Arjo na mayroong eight episodes ang Bagman 2.

Bale may last taping day pa ang Bagman 2.

Hindi natuloy si Arjo sa Miracle In Cell No. 7 dahil hindi nag-swak ang schedule niya.

“Same schedule ng ‘Bagman’ sa ‘Miracle In Cell No. 2’ and siyempre, obviously priority ko ang Bagman because it’s ABS-CBN and Dreamscape. It’s priorities and the people I owe it to,” paliwanag ng actor.

Umaasa naman siyang makakatrabaho pa niya si Aga sa ibang pagkakataon.

May mga project pa si Arjo sa Viva na ikagugulat pa natin.

Anyway, sinabi ni Arjo na mamimili na siya ng project ngayon lalo’t may pagkakontrabida ang role niya dahil naaapektuhan siya.

“Gusto ko nang pumili ng kontrabida roles dahil naaapektuhan ako psychologically. Right now gusto ko ako ang may say at iba. It has to be a big difference sa mga nagawa ko na.

“Kaya every project kailangan ibang character kasi kung similar, ipa-prioritize ko na lang ‘yung iba. Mas different ‘yun gusto ko.”

Aminado si Arjo na tinotopak siya kapag sobrang kontrabida ang ginagawa niya. “Method kasi ako eh. Pagdating sa bahay wala naman talaga (role na ginagampanan). Pero there are still personalities, one or two ang pagiging snappy na hindi ko napapansin. Hanggang Ria (her sister) tells me. ‘Uy bakit umiinit ang ulo mo?’ Kasi hindi naman ako ganoon sobrang chill ko lang. Kaya parang pitik na inis.”

Ang tinutukoy na karakter na ginampanan ni Arjo na nakaapekto sa kanya nang husto ay ang role ni Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano na parang nababaliw. Kaya naman nanonood na lang siya ng comedy para mawala iyon. Iniiwasan na lang niyang manood ng seryoso.

“Mabigat na kasi ‘yung ginagawa ko kaya iniiwasan ko na lang manood ng ganoong pelikula,” sambit pa ng magaling na actor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …