Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi at Joem, walang kiyeme sa kanilang hot lovescenes

MATAGAL-TAGAL ding nawala si Lovi Poe dahil nag-focus siya sa paggawa ng pelikulang The Annulment mula Regal Entertainment Inc., kasama si Joem Bascon na mapapanood na sa November 13.

Pero pinag-uusapan na ang susunod niyang serye at soon ay mapapanood na muli siya sa telebisyon.

Samantala, para kay Lovi talaga ang pelikulang The Annulment. Anang direktor nitong si McArthur C. Alejandre, “From the very start para talaga ito kay Lovi. Nag-feed ako sa kanya two years ago pa. Wala pang script, ikinuwento ko pa lang sa kanya ang konsepto at sinabing daring itong pelikulang ito at tinanong ko siya kung open siya?

“Then she read the scripts and sinabi niyang nagustuhan niya.” Kuwento ni Direk McArthur.

Aminado si Lovi na napaka-hot nga ng kanilang lovescene ni Joem sa pelikula. “Nag-uusap nga kami ni Joem sa ginawa namin. It’s not doing a hot lovescene lang naman itong pelikula. It’s a different stages of a relationship. Parang naging simbolo siya ng kung anong level ng relationship nila as a couple.”

Hindi rin naman basta umoo si Lovi sa pelikula. “Because it’s direk Mc doing the lovescenes. It’s talagang very cinematic, very beautiful, siyempre si direk iba ‘yung atake niya sa mga ganitong klase ng eksena. But when we watched it, everything was beautiful. Basta ibinigay lang namin ang full trust kay direk. May magandang reputasyon naman kasi si Direk Mc and it’s an honor for me to work for him tulad ng isang pelikula na mas mahaba ang pagsasamahan kompara sa telebisyon.”

Bukod dito, komportable ring makipagtrabaho si Lovi kay Joem. “Yes, kasi ilang beses na kaming nagkatrabaho. This is one old level of maturity lang, so we’re very relaxed.”

“Timely lang siguro ‘yung ‘The Annulment’ and ready na kami to tackle ‘yung ganitong kabigat na istorya ukol sa relationship. And masaya kami na nandito na kami sa ganitong stage na sabay kaming nag-mature lalo na rin sa acting namin. And of course off cam maturity din as a person,” sambit naman ni Joem.

Kasama rin sa pelikula sina Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Laurah Lehmann, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore, Johnny Revilla, at Ana Abad Santos.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …