Sabi ng mga nakapanood the other night ng Isa Pa With Feelings (nina Maine Mendoza at Carlo Aquino) sa Glorietta Makati, maganda naman daw ang acceptance ng mga tao. Halos puno naman daw ang sinehan at satisfied ang mga tao sa outcome ng pelikula.
So far, maganda ang feedback sa pelikula kaya marami pa rin ang nae-entice na manonood.
In the same manner, maganda rin naman ang response sa Unforgettable ni Sarah Geronimo, na kahit malakas ang kapanabayang Maleficent at iba pang foreign films, kahit paano ay pumi-pick-up ito.
Kung ipagpapatuloy ang promo, siguro ay lalong tataas ang box-office gross nito.
In a way, nakatutuwa namang malamang tinatangkilik pa rin ang ating mga pelikula kahit malalakas ang foreign movies na kapanabayan nito.
Kumbaga, they are giving a good fight and that is a good sign for Filipino movies.
Laban lang!
Sa October 30 naman ay magtatapat ang Hellcome Home sa isa pang horror movie na Santigwar.
We will see if Alexa Ilacad’s open declaration of ‘war’ with Nash Aguas would help the box-office receipt of their movie.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very. very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.