Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Magkakaanak na bebot sa ‘harem’ ng isang gambler-businessman nag-derby sa harap ng gov’t top honchos

NAGING usap-usapan sa showbiz at sa social media ang word war ng pamosong magkaka­patid na babae at tuwina’y nauuwi sa kanilang madramang pagbabati at pagkakasundo.

Huwag din magtatangkang makisawsaw sa kanilang away dahil sa huli, ‘yung kumiling sa isa sa kanila ang pagbubuntunan nila ng sisi.

Nasanay na nga ang publiko, panatiko man o detractor ng “sissies” sa kanilang paglaladlad ng away sa publiko at kung sino-sino ang kanilang partners.

Ganoon man kaeskandaloso ang kanilang buhay at pag-ibig, hindi pa rin inaasahan ng ilang nakasaksi na ang ugali nilang iyon ay ilaladlad nila sa harap ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Yes, Virginia, walang kaabog-abog na nag­bangayan ang “the sissies” sa harap ng tatlong matataas na opisyal ng pamahalaan na naki­ramay sa pagyao ng kanilang kaanak kamaka­ilan.

Ang siste, sumali pa sa sabong (actual hindi virtual) ng magkapatid ang kanilang pamangking babae.

Walang nagawa ang tatlong matataas na opisyal kundi panoorin na lamang ang ‘derby’ ng mga hitad sa harap ng nakaburol nilang ka­anak.

Mabuti na lang, walang nakapag-video ng eksena at ini-upload sa social media kundi malaking kahihiyan (tinatablan ba?) na naman sa angkan ng mga hitad.

Hindi natin alam kung lingid ba sa kaalaman ng government execs, na ang ugat ng pag-aaway ng “the sissies and the niece” ay isang sikat na negosyante na mahilig sa sugal at dating nakasuhan ng plunder.

Huwag nang magtaka kung bakit hinulasan ng kahihiyan ang mga hitad dahil ang chika ay ‘tinuhog’ ng gambler-businessman ang magka­patid at ang kanilang pamangkin.

Naging biruan tuloy na kaya ‘naaksidente’ ang isang mataas na opisyal matapos maki­ramay sa kanila ay dahil na-stress sa nasak­sihang away ng magkakapamilya.

The Who?!

Your guess is as good as mine.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …