Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at magkapatid na Falcis, nagka-ayos na

ISANG magandang balita naman ang inihayag ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang social media account. Ibinalita ni Kris na ayos na ang naging gusto nila ng magkapatid na Falcis, sina Nicardo II at Atty. Jesus Nicardo III.

Sa maikling statement post sa Instagram ni Kris, sinabi nitong nagkaayos na sila sa usaping pinansiyal gayundin sa ilang bagay na ‘di nila napagkasunduan noon.

Hindi na nag-elaborate pa si Kris ukol sa ipinahayag niya para, aniya ay maiwasan na ang sigalot o problema.

Sa caption naman ni Kris sa IG post sinabi nitong, ”LEARN from YESTERDAY… LIKE TODAY…but above all, make sure to LOVE TOMORROW.

“To permanently leave this chapter behind, and embrace all that lies ahead for me, comments for this post shall be turned off. You are FREE to discuss the statement from DivinaLaw, just not on my feed.”

Mabuti at natapos na rin ang problemang ito ni Kris sa magkapatid na Falcis. Mababawasan na ang nakakapagpa-stress sa kanya. Tiyak na lalo pang magiging maganda ang kalusugan ngayon ni Kris sa pagkabawas ng problema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …