Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, ramdam si Anne; Pangungulit sa kasal, nakape-pressure

RAMDAM din ni Jessy Mendiola ang pressure na nararamdaman ni Anne Curtis sa tuwing kinukulit ito ukol sa kung kailan mabubuntis o magkakaanak.

Tulad ni Anne, madalas ding kinukulit si Jessy ukol naman sa kung kailan sila ikakasal ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Sa presscon kahapon ng bagong endorsement ng aktres, ang SkinCell aesthetic clinic, na may biggest campaign na ‘Beauty in Progress,’ sinabi nitong umaasa siyang tatantanan na rin siya at ang mga katulad niya na mayroong long-term relationship.

Anang aktres, “I understand where she’s (Anne) coming from kasi ako rin, there was a time na palagi akong natatanong about marriage, kung kailan ako ikakasal.”

Aminado si Jessy na pressured siya kapag natatanong ng ganito. “Kaming mga babae. I understand her side kasi they have their personal lives. People don’t know what’s happening, ‘di ba? Malay mo they’re trying na magka-anak.

Siguro’yung matanong mo ng minsan o twice okay lang. Pero ‘yung paulit-ulit na,  dapat irespeto na ‘yung privacy.”

Sinabi pa ni Jessy na hindi lang naman sa mga presscon o interbyu nangyayari ang pangungulit sa kanila. Maging sa family reunions.

Tiniyak naman ni Jessy na sakaling magpapakasal na sila ni Luis Manzano, hindi naman nila ililihim iyon. “Babalitaan namin kayo (kung ikakasal na).”

Samantala, hangang-hanga naman sa ganda ni Jessy ang founder at lead dermatologist ng SKINCELL na si Dr. Clarissa V. Cellona. Aniya, si Jessy ang napili nila dahil, “classic beauty that is both unforgettable and timeless.

“Jessy is a breath of fresh air,” anang doktor. “The ideal standard of beauty, youth and exuberance.

“As her doctor, I am very honored that she chose SKINCELL in her journey to ageless beauty.”

Nag-shoot naman si Jessy ng campaign ad sa kilalang photographer na si  Pilar T. Bonnin, fashion designer Raoul Ramirez at sa creative director na si  Alex S. Mendoza sa FurnItalia sa BGC.

Sa buong shoot, mala-Audrey Hepburn-esque elegance at sophistication ang naipakita ni Jessy. Ang Beauty in Progress campaign ay konsepto ng leading celebrity PR firm na PublicityAsia.

Ang SKINCELL Advanced Aesthetic Clinics ay matatagpuan sa Manila, Makati, BGC, McKinley, Ayala Feliz at SM City Clark. Kilala sila bilang true experts sa skincare. Ang bawat clinic nila ay pinamumunuan ng board-certified dermatologist.

Si Dr. Issa ay member ng Philippine Dermatological Society o ng PDS.

(Maricris Valdez-Nicasio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …