HINDI man sabihin, kitang-kita na kay Aga Muhlach na maligaya siya sa buhay niya ngayon. Kumbaga, wala na siyang hahanapin pa at masaya na siya sa kung anong mayroon siya ngayon.
Aniya sa presscon ng pelikula nila ni Alice Dixson na Nuuk mula sa Viva Films na mapapanood na sa Nobyembre 6, “I’m at my happiest, I am at my most comfortable, It’s so much fun in my life, it starts with my family, wife and kids and the entertainment industry is still is still there. The fashion is still there.
“Tapos parang napagdaanan ko ng lahat, I can sit back and watch and observe people and help other actors, stars, upcoming, the big ones now, kapag nakita mong may problema, nagkaka-isyu sa buhay, minsan nilalapitan ko sila, a top on their shoulder, minsan ganoon lang ang kailangan ng taong may pinagdaraanan, dadaanan mo lahat ‘yan. Don’t take it seriously, steady lang.”
Hindi naman itinanggi ni Aga na hindi nawawala ang paghanga niya sa ibang tao lalo’t maganda. Paliwanag niya, “Masaya na ako sa katayuan ko ngayon, pero ‘yung on the side hindi mawawala ‘yung pagtingin ko sa iba, lalaki ako kapag nakakita ako ng magandang tao, nagagandahan ako, hindi ko naman inaalis ‘yun kahit sa asawa ko at sa mga anak ko alam nila ‘yun.”
Ang Nuuk ang balik-tambalan nina Aga at Alice matapos nilang masama sa ilang pelikula noong dekada nobenta.
Gagampanan ni Aga ang karakter ni Mark Alvarez, isang misteryosong lalaki na naging mabuting kaibigan sa kapwa Filipino sa isang banyagang lugar, ang Nuuk. Si Alice naman si Elaisa Svendsen, isang Pilipinang naninirahan sa Greenland na nangungulila sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Tinanong si Aga kung paano niya pinaghandaan ang role sa Nuuk. Aniya, “It’s not preparing, it’s just committing to it. Once you committed, once you believe in the story, that’s it. That’s always been my way of preparing.
“Once I commit, type ko ‘yung istorya, dedepende na ako sa istorya kasi gagawin ko naman ‘yung gagawin ko. Ang direktor naman ang magtitimpla ‘pag sinabi niya ‘pag medyo sumobra ka riyan… kasi at the end of the day ang direktor naman ang nagdadala ng pelikula, hindi ang artista.
“So bukod sa istorya, kung paano ii-implement ng direktor ang istorya, kung paano ang gagawin niya sa amin lahat iyon, kung paano niya ipakikita sa publiko, aarte lang kami, makikinig lang.”
May lovescene sina Aga at Alice sa Nuuk subalit bigo ang press sap ag-urirat dito. Ang tanging sinabi lamang ni Alice, “Parang it’s well done, gusto ko, ulitin natin.”
Susog naman ni Aga, “kulang nga eh, pero the movie is not about the love scenes, so it was just ganoon lang. Kulang nga, parang…’yun na ‘yun.
“Love scene is not big deal anymore. That’s normal. That’s given. That’s nothing. It’s just like that. It happens.”
Galing na galing naman si Direk Veronica ‘Roni’ Velasco sa dalawang bida niya at iginiit na dapat panoorin ang Nuuk dahil, “Ang galing-galing ni Aga at Alice kaya dapat manood ng pelikulang ito. Nakagugulat. Kahit ‘yung sa ending lahat ibinigay nila eh, hindi sila nahiya. Walang kiyeme-kyeme, nakagugulat ang ending, I would watch for that kasi gusto kong mapanood kung paano itong dalawa na nagsama sila ibang klaseng acting ang nangyari sa ‘Nuuk,’ that’s why I would watch.”
Sa kabilang banda, aminado ang direktor na medyo natakot siyang idirehe ang dalawa. “Hindi ko alam kung ano ang nagagawa ng remote place, but I was surprise na magkakasundo kaming lahat, parang walang away. Kasi ang hirap na ng lugar. Hindi na puwedeng mag-inarte roon eh kaya we had really a good time.”
Ang Nuuk ay ang kabisera ng Greenland, iang autonomous country sa hilagang bahagi ng Europa. Ang bansang ito ang natala na may pinakamataas na suicide rate sa buong mundo. Sinasabing posibleng dahil ito sa malamig na klima at pagkakahiwalay sa ibang mga bansa, ngunit nananatili pa ring misteryo ang tunay na dahilan nito.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio