HINDI nahirapan si Rhea Anicoche-Tan, presidente at CEO ng Beautederm Corp., na kunin si Gabby Concepcion para maging dagdag sa dumaraming ambassador niya ng kanyang lumalaki ring kompanya.
Ani Rhea, “Mabilis lang po ang naging transaksiyon at napakabait kausap ni sir Gabby.”
Masayang-masaya nga si Gabby sa pagkasama sa kanya sa bonggang bonggang roster of amazing brand ambassadors ng Beautéderm Corporation.
Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ang Beautéderm Corporation ng beauty and wellness industry dito sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinaka-pinagkakatiwalaang lider nito.
Taong 2009 itinatag ni Tan ang Beautéderm Corporation sa pagnanais na i-beautéfy ang bansa bilang “one person at a time” sa pamamagitan ng mga line of products na nagpapamalas ng pinakamataas na kalidad na nagbibigay ng pinakamabilis, pinaka-epektibo, at pinaka-sustainable na resulta.
Prioridad kasi ng Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo sa lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based sa sangkap na pinagsama-sama para mabigay ang pangako nitong ‘di lamang pisikal na kagandahan ngunit sa bawat loyal user nito ngunit mas magandang buhay din para sa mga reseller at distributor.
Bilang isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng room at linen sprays at pati na rin ng mga scented soy candles; at ang perfume collection ng Beautéderm na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men at pati narin ang mga bagong produkto gaya ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado ngayon.
Sa ngayon, mayroong humigit sa 1,000 resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa. Mayroon ding physical stores sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kompanya na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, mga mang-aawit, beauty queens, mga politiko, comedians, at mga social media influencer.
Isang multi-awarded na actor si Gabby na itinuturing na showbiz royalty na mayroong kamangha-manghang karera. Legendary ‘ika nga ang kanyang kaguwapuhan at ang trabahong kanyang naiambag sa industriya.
Sa pag-mature ni Gabby bilang aktor sa mga nakalipas na panahon, napanatili niya ang kaguwapuhan at freshness lalo na ngayong may tulong na siya mula sa Beautéderm.
“I feel young and I feel great,” ani Gabby. “I am energized to face the world and work. Salamat sa skin set ng Beautéderm, I can look fresh and revitalized any time of the day. I eat right and I work out regularly and of course Beautéderm is now an irreplaceable part of my daily regimen. Ngayon masasabi ko na men can glow too!”
Si Rhea naman ay nag-uumapaw sa excitement ngayong opisyal na brand ambassador si Gabby. “We welcome Gabby with open arms and we are so thrilled to have him onboard,” sabi ni Rhea. “10th year na rin namin and we are developing new products that will expand the Beautéderm line. Punompuno ng pagpapasalamat ang aking puso.”
Sa kabilang banda, hindi naman itinanggi na marami pa rin ang nagpaparamdam sa kanya lalo’t mas madali na ito sa pamamagitan ng social media.
“Hindi ko lang sila pinapansin. Alam n’yo naman ang social media, open na open walang editing. Hindi ko na lang pinapansin,” sambit ni Gabby bagamat binabasa naman niya ang mga ipinadadalang mensahe sa kanya dahil baka raw may content iyon na mahalaga.
“Baka kasi kailangan nila ng tulong dahil ang hahaba ng sulat nila. Parang love letter. Madalas sa messenger sila nagpapadala kaya tinatanggal ko na nga lang,” anang actor.
Iginiit din ni Gabby na matagal na niyang nare-resist ang mga temptation. “Noong bata ako 18-19 mataas ang libido ko eh. Ngayon, ang concentration ko eh seryoso na, iba na ang pananaw ko sa buhay. Lahat naman ng tao dumaraan sa ganoong sitwasyon. Hindi na ako 17 o 18. Kaya iba na.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio