Sunday , November 24 2024

Powertrippers at bullying ng BI junior training officers

MATAPOS natin i-expose noong nakaraang linggo ang ginagawang pambu-bully ng mga miyembro ng Bureau of Immigration – Center for Training and Research (BI-CTR) sa mga bagong graduates na immigration officers (IOs) ay sunod-sunod nang lumabas ang hinaing ng mga IO na dumanas ng unfair treatments mula sa mga nabanggit.

Ayon sa nakarating na sumbong sa atin, masyadong  ‘bias’ ang ginawang rating system ng mga Junior Training Officers ng CTR dahil naging subjective sila sa pagbibigay ng grado sa mga IO.

Saan daw sila nakakita na lahat ng kanilang pagsusulit ay walang lumabas na ‘scores” ng examinations?

Maging ang test papers nila ay itinago rin ng mga ‘gunggong’ na JTOs!

Tanging grades lang daw ang ipinakikita ng mga hindoropot na trainers!

Wattafak!?

Malinaw na may favoritism pagdating sa grading system na ginagawa ng mga taga-CTR. Senyales na may anomalyang nagaganap sa loob ng Philippine Immigration ‘bully’ Academy.

Kapag daw hindi nila ‘bet’ ang isang trainee ay tatambakan ng sandamakmak na ‘demerits’ upang madali nilang ibagsak ang kaawa-awang trainee.

Susmaryosep!

Sarap ingudngod ang mukha ng mga hinayupak!

Aware po ba kayo sa ganitong sistema ng CTR, Immigration Commissioner Jaime Morente?

Marami rin daw sa piniling “Top 10” sa nakaraang training ay kuwestiyonable. May ilan sa kanila na mas deserving pumasok sa Top 10 ng kanilang klase kaysa mga napili ng mga ‘bullshits’ na JTOs.

Kung tutuusin, wala naman importansiya kung pasok ka sa “honor roll.” Ang siste lang ang mga o-gag na training officers ay nagpapakilala bilang mga ‘righteous’ kuno pero sa totoo lang ay hindi sila deserving na humawak ng ganito kasensitibong posisyon.

Dahil ba “under instruction” sila ng hepe ng CTR na kilalang-kilala na basag ang pula?

Ano pa nga ba?!

Kawawa ang mga susunod pang training and seminars kung ang mga JTO ng BI-CTR ngayon ang patuloy na magpapatakbo ng nasabing Akademiya.

Dapat silang palitan ng maaayos na magpa­pa­takbo ng trainings and seminars at alisin diyan ang mga may sayad at powertrippers.

Balita natin ay ayaw nang bumalik sa airports ng mga ‘yan dahil maluwag nilang nagagawa ang kanilang pangwawalanghiya.

Para ano at naging IO sila kung hindi naman mapapakinabangan sa counters na madalas ay kulang sa tao?

Anong sey n’yo rito, IOs Golepang, Golimlim, Villa, Jaron, Saladaga, Boctuanon at Ollet!?

Mahigpit din daw na ipinagbabawal sa mga trainee ang lumabas ng PIA kahit pa emergency ang sitwasyon. Pero pagkagat ng dilim, sila mismong JTOs ang lumalabas ng PIA at kanya-kanyang gimik sa paligid ng “Clark!”

‘Di ba bawal nga?!

Agree or disagree, Mr. Jolly Bee?

Commissioner Jaime Morente, sumisigaw ng hustisya ang mga dumanas ng unfair treatments at nakaaalam ng totoong nangyayari sa Philippine Immigration Academy.

Hindi titigil ang sigaw ng katarungan hangga’t walang imbestigasyon na gagawin sa mga personalidad na sangkot sa anomalya sa PIA!

Marami pang kasunod ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *