NAGPAABOT ng pakikisimpatiya sa pamahalaan at mga mamamayan ng Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa naturang bansa.
“On behalf of the Filipino people, President Rodrigo Duterte expresses his deep sympathy to the people and government of Japan for those who perished, were injured, or found themselves homeless in the aftermath of the stongest typhoon to hit Japan in decades,” ayon sa kalatas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Nakatutok aniya sa sitwasyon ang Philippine Embassy sa Tokyo at nagsasagawa ng koordinasyon sa mga komunidad ng mga Pinoy na apektado ng bagyo.
“As we offer our prayers, the Office of the President has likewise asked the Department of Foreign Affairs to get in touch with its Japanese counterpart for possible humanitarian assistance we can provide,” dagdag ni Panelo. (R. N.)