Thursday , December 26 2024
MMDA

MMDA tuloy pa rin sa clearing ops para sa Kapaskuhan

PATULOY ang ginagawang sariling “clearing ope­rations” partikular sa mga ruta na idineklarang Mabu­hay Lanes dahil sa inaasa­hang pagbigat ng trapiko sa darating na Kapaskuhan, ito ang inihayag ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA)

Sinabi ni Asst. Secre­tary Celine Pialago, taga­pagsalita ng MMDA, inaa­sahan nila na madarag­dagan ang volume o bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada sa ikatlong linggo ngayong Oktubre.

Kailangan malinis lahat ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista parti­kular ang Mabuhay Lanes para magamit.

Pinuri ni Pialago ang mga lokal na pamahalaan na nakikipagtulungan sa kanila ngayon partikular sa pagbawi sa mga polisiya nila tulad ng dating pagpa­yag sa one-side parking sa mga kalsada.

“Araw-araw tatlong clearing operation teams ang kumikilos sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para magtanggal ng mga obstruk­syon tulad ng ilegal na pag­parada ng mga sasak­yan, ilegal na terminal, illegal vendors at mga estruktura na sagabal sa mga kalsada at bangketa,” ani Pialago.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *