Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anniversary concert ni Imelda, kasado na; Philippine Arena, kayang punuin

NAGING emosyonal si Imelda Papin sa presscon ng kanyang 45th anniversary concert sa October 26 sa Philippine Arena, ang Imelda Papin Queen @ 45.

Sinariwa kasi ni Imelda ang mga panlalait sa kanya nang nagsisimula pa lamang siya. Aniya, sinabihan siya na ang mga tulad niyang probinsiyana ay hindi sisikat. Pero she proved them wrong dahil naging superstar nga siya sa Bangkok Thailand na binansagang Asia’s Sentimental Songstress. At nang bumalik siya sa Pilipinas agad siyang tinangkilik bilang new singing sensation. At nagkasunod-sunod na ang kanyang tagumpay sa larangan ng pagkanta.

Hanggang ngayon, paborito pa ring kinakanta ang mga awitin niya. Katunayan, nai-revive pa nga ang isa niyang awitin, ang Isang Linggong Pag-ibig ng isang millennial singer, si LA Santos na nilapatan ng bagong tunog.

Kasama si LA sa mga special guest ni Imelda sa kanyang concert gayundin ang mga kaibigang sina Claire Dela FuenteEva EugenioMarco SisonPilita CorralesSonny Parsons, at Victor Wood.

Magbibigay din ng entertainment sina Andrew E., April Boy Regino,  Darius Razon, Jovit Baldivino. Kasama rin ang kanyang anak na si  Maria France (Maffi) with her three kids Keif, Zach and Xavier, mga kapatid na sina Gloria at Aileen, at Garry Cruz.

At sa mga kumukuwestiyon kung mapupuno ba ni Imelda ang Philippine Arena, ito ang sagot niya. “As of press time, 80% na ang tiket na nabibili.” Na ang ibig sabihin, kakaunti na lamang ang natitirang tiket.

Isang patunay na mainit pa rin hanggang ngayon si Imelda at marami pa rin ang gustong marinig ang maganda niyang tinig.

Ang Imelda Papin Queen @ 45 ay prodyus ng DreamWings Production & Papin Entertainment Productions. Para sa ticket, mag-log on sa smtickets.com o magtungo sa SM Box Office Ticket Booth. Ang kikitain ng konsiyerto ay ibibigay sa humanitarian projects ng IAP Foundation.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …