Tuesday , August 12 2025

‘Umalingasaw’ na baho ng PNP, Palasyo ‘di natitigatig

PABOR ang Palasyo sa labasan ng baho ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naba­bahala ang Palasyo sa batuhan ng akusasyon ng matataas na opisyal ng PNP kaysa magtakipan.

“Hindi ba mas maganda nga iyon para lumalabas iyong baho sa isang organisasyon, ‘di ba? Kung may naglalabas diyan na kontra sa isa, iyong isa lumalabas din, e ‘di mas mabuti. Kaysa nagkakaisa sila at nagta­tago, naglilihim,” tugon ni Panelo sa pag-usisa ng media kung nanga­ngam­ba ang Palasyo sa pagka­karoon ng lamat sa PNP bunsod ng ninja cops controversy sa gitna ng kampanya laban sa illegal drugs.

Samantala, walang maibigay na update si Panelo kaugnay sa resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa limang narco-generals na isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang 2016.

Matatandaan, hindi mabilang kung ilang beses na minura ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati ang tinagurian niyang narco-generals na sina retired police generals Marcelo Garbo, Bernardo Diaz, Edgardo Tinio, Samuel Pagdilao, at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Kamakailan ay ‘nagbiro’ si Pangulong Duterte na ‘inambus’ na niya si Loot ay buhay pa rin hanggang ngayon.

Dalawang beses nang tinambangan si Loot mula nang isabit ni Pangulong Duterte bilang narco-general.

ni ROSE NOVENARIO

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *