Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue, sakaling ligawan ni Javi — Why not!

HINDI nagkailangan sa intimate scene nila sina Sue Ramirez at Javi Benitez para sa pelikulang Kid Alpha One ng Brightlights Productions.

Ani Sue nang dalawin namin ito sa shooting ng KA1 sa Epic Parc, Tanay, “Okey naman, very professional naman ‘yung intimate scene na kinunan.

Inalagaan naman kami pareho ni Direk Richard Somes since it’s his (Javi) first time rin. Ako rin naman hindi naman ganoon din karami pa ang nawagang intimate scene,” sabi pa ni Sue.

Kuwento naman ni Javi ukol sa intimate scene, “noong una maraming tao, tapos biglang sinabi ni direk Richard ‘o bawas-bawas muna ng tao.’ Tapos after niyon may music, naging okey naman, naging comfortable na kami.”

At dahil intense ang mga action na ginawa nila sa pelikula, intense rin ang ginawa nilang intimate scene.

Naka-topless si Javi sa eksena nila ni Sue pero wala naman siyang butt exposure. “Ha ha ha ibang aksiyon ‘yun. ‘Yung role ko rito medyo killer machine medyo tormented soul ako. Si Sue ang magpapakalma sa akin parang gustong magbago dahil sa kanya. At kumakalma naman ako. Kung paano, ‘yun ang dapat na panoorin,” sambit pa ni Javi.

Samantala, kung noong mga una’y medyo nagkakahiyaan ang dalawa ngayo’y alam na ni Javi ang favorite coffee flavor ni Sue sa Starbucks.

Anang aktor, “favorite niya sa Starbucks, white chocolate mocha,” kaya naman lalo silang tinukso.

Nagustuhan ni Javi ang pagiging totoo ni Sue.

At nang tanungin kung girlfriend material ba ang aktres, sagot ni Javi, “yes, I think so.”

Nang tanungin naman si Sue kung sakaling ligawan siya ng action star, sagot agad nito, “why not!”

Ukol naman sa pagiging aktor ni Javi, sinabi nitong, “very dedicated si Javi. Very passionate siya at bihira mong makikita ‘yun sa tulad niyang baguhang artista na sobra-sobra ang pagiging passionate agad sa craft na ginagawa. Kaya bumilib agad ako sa kanya. At ako na ang mahihiya na magreklamo, mahihiyang male-late. Kasi lahat ng katrabaho mo sobrang professional. Kaya ‘yung level ng professionalism mo may matututuhan ka talaga sa kanya,” sambit pa ni Sue.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …