Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pnp police

Colonels ‘di generals, plus ‘Ninja cops’ kakastigohin ni Digong (Nalito sa superintendent)

INILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na wa­lang heneral na sangkot sa illegal drugs kundi colonel lamang.

Ang paglilinaw ay ginawa ng Pangulo sa kanyang media interview sa Davao City kahapon nang dumating siya mula sa Russia.

“Alam mo I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi no’ng nauso ‘yang sup-sup, superintendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko bumalik kayo roon sa police colonel, police major, police lieutenant, kasi pati lahat ng tao nalilito ‘yang sup-sup na ‘yan. Superintendent pala ‘yan e. E sa Bisaya ‘yang sup-sup is sucking — ice drops,” sabi niya.

“Wala, walang generals. I’m sure of that. Sa aking report na duma­ting sa akin, wala. Parang — colonel I think. Nalilito kasi ako riyan sa superintendent-supe­rintendent na ‘yan kasi ang alam ko lang superin­tendent ‘yung superin­tendent ng eskuwelahan,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaan noong Huwebes ay sinabi niya sa kanyang talumpati sa Russia na may dalawang heneral na sabit sa illegal drugs.

Hindi aniya nawawa­la ang kompiyansa niya kay PNP chief General Oscar Albayalde at kai­langan niya ng matibay na ebidensiya para mani­walasa mga paratang sa heneral na sangkot umano siya sa ninja cops.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …