Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah G., starstruck pa rin kay Regine; Nautal, nanigas habang kaeksena

MATAGAL nang pangarap ni Sarah Geronimo na makagawa ng pelikula ukol sa aso. Kaya naman dream come true ang Unforgettable na ukol sa ibang klaseng pagmamahal ng isang alagang aso na idinirehe nina Jun Lana at Perci Intalan handog ng Viva Films at IdeaFirst na mapapanood sa Oktubre 23.

Sa one on one interview namin sa Popstar Royalty kahapon sa Gauguin Meeting Room ng Novotel sinabi ng aktres na, “dream come true po ito kasi dream ko eversince na makagawa ng ganitong film na kasama ko, dog. Kasi dog lover po ako at mahal ko po talaga sila. Gusto ko kasing ipakita ‘yun special connection at relationship between humans and dogs, iba sila eh.”

Ani Sarah, ibang-iba ang pelikulang Unforgettable sa mga nagawa niyang pelikula. “Kasi lahat tayo mayroong mga alaga, na parang naging companion at naging best friend. Lahat makare-relate rito lalo na sa mga dog lover. At ang story itself ay talagang malapit sa puso natin, para sa buong pamilya.”

Gina­gam­panan ni Sarah ang karakter ni Jasmine, isang unique, special girl na very loving, may pure heart, very honest , at gagawin ang lahat para sa mga taong mahal niya.

Kuwento ni Sarah, hindi siya nahirapang kaeksena si Milo (pangalan ng aso) dahil maamo ito sa lahat. “Very playful, active, makipaglaro ka lang sa kanya, okey na siya eh. Hindi siya aggressive at very gentle na aso.”

Samantala, bagamat 2nd time nang nakasama ni Sarah si Regine Velasquez (ang una ay sa Captain Barbell), aminado itong starstruck pa rin siya sa Asia’s Songbird.

“Nakaka-starstruck pa rin, kasi si Ms. Regs kahit madalas ko siyang nakikita o nakakasama o nakaka-usap, parang ganoon pa rin. It’s always the same feeling, ‘yung pagka-starstruck hindi nawawala.

“Hindi po ako makasalita masyado kapag nakikita ko siya. Hindi rin ako masyadong maka­galaw, parang naninigas ako, ha ha ha,” susog pa ng aktres at aminadong mas nahirapan siyang kaeksena si Regine kaysa kay Milo, ang aso.

“Si Milo kasi sobrang enjoy lang kami. ‘Yung mga eksena na wala siya (Milo) na kailangang dayain, doon lang medyo mahirap,” kuwento pa ni Sarah.

Makakasama rin ni Sarah sa Unforgettable sina Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial, at Gina Pareno.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …