Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt, ginagaya si John Lloyd; may-ari ng OTE, proud sa aktor

ITINANGGI ni Matt Evans na ginagaya niya ang aktor na si John Lloyd Cruz. Tulad kasi ni Lloydie, nagpapahaba rin siya ng bigote.

Mabilis namang itinanggi ni Matt na gaya-gaya siya kay JLC.

“Ha ha ha. Wala pong kinalaman ito kay JLC. Sa trabaho po. Para sa ‘A Soldier’s Heart,’ sa teleserye ni Gerald Anderson. Muslim kasi ang role ko roon,” sambit ni Matt.

Balik Star Magic na si Matt after a year na lumipat ng ibang network.

“Nangapit-bahay lang po ako at dahil wala akong ginagawa, nagbalik   ABS-CBN na ako.

“Namahay ako noong napunta sa GMA hinanap ko ‘yung asikaso kung paano inalagaan ako ng Star Magic. Hindi naman kasi ako fully na lumipat (ng network). Nag-freelance kasi ako,” wika pa ng actor.

Hindi naman big deal sa aktor kung hindi bida ang teleseryeng ginagawa. “Noong nakipag-usap din ako sa GMA ang hiningi ko lang character role. Nagulat nga sila sa akin kasi usually ang hinihingi ng mga lumilipat, lead role. Ako hindi. So hindi naman po ako namimili ng trabaho. Kung ano ang blessings na pumapasok, magaan ko namang ginagawa.”

Sinabi pa ni Matt na friend sila ni Gerald kaya okey lang na suportahan  ang aktor. “On and off naman po kami magsuportahan. Sobra-sobra ang pagkakaibigan namin since ‘PBB’ pa.”

Samantala, very proud naman ang may-ari ng Online Travel Express na si Richard Lopez Pabilona sa pagkakakuha kay Matt bilang ambassador ng kanyang travel agency.

Aniya sa opening/ribbong cutting ng kanyang sangay sa Robinson’s Metro East kamakailan, “Bukod sa guwapo, he has the quality for tourism that we boost our tourism in the Philippines and other countries. As we are promoting tour packages at a very affordable price.”

Si Matt talaga ang choice ng OTE kasi nga mabait ang actor.

Dream destination ni Matt ang Japan at Canada dahil naroon ang kapatid niya. Pero dahil sa mabait din si Rich, bibigyan niya ng libreng byahe ang aktor at asawa nito sa Japan gayundin sa Maldives.

Bale pang-11 branch na ng OTE ang nasa Robinson’s Metro East at ikatlong pag-aari mismo ni Rich (ang 8 ay franchise).

Kuwento ni Rich, nag-umpisa ang kanyang negosyo sa isang boarding house lamang six years ago. “I do it online using my laptop lang. This is from a humble beginning. Napaka-overwhelming ng nangyaring success sa OTE dahil nakapag-branch out kami sa mall.

“We offer budget and affordable packages na legit kasi there are some travel agencies na hindi totoo,” ani Rich na nakapagpapaalis ng 500 guests every month kaya naman awarded international sila bilang Philippines Best Online Travel Agency. “Inaalagaan namin ang mga guest namin mula sa pagbu-book hanggang sa makaalis at makabalik.”

Inihayag pa ni Rich na 30-50 percent ng kanilang income ay napupunta sa charities—ito ay ang OTE Charities, Tsinelas ni Rich, Pakain ni Rich, Iskolar ni Rich, at Pabigas ni Rich.

“Naniniwala kasi ako na if you share a lot, you will receive a lot. I started alone and ngayon nasa 25 na ang aming employees,” pagbibida pa ni Rich.

Sa kabilang banda, posible na rin niyang maging business partner si Matt dahil nag-inquire na ang asawa ng aktor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …