Wednesday , November 27 2024

Sa dami ng puwedeng bawasan… PGH pa talaga ang tinapyasan ng budget ng Kamara

HINDI natin talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga mambabatas.

Mantakin ninyong kung ano ‘yung institusyon na nakatutulong sa mahihirap nating kababayan at kung saan nagsasanay ang magagaling na doktor para sa hinaharap, ‘e ‘yun pa ang binawasan ng budget — ang Philippine General Hospital (PGH)?!

Noong 2019 national budget, umabot sa P2.198 bilyon ang alokasyon sa medical services ng PGH, kabilang ang mga gamot, medical equipment and supplies.

Pero sa 2020 national budget tinapyasan ito ng 14 porsiyento katumbas ng P456 milyon kaya naging P2.77 bilyon na lang.

Kaya kahit ‘ini-restore’ ang P200 milyon sa Kongreso, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pagpapagamot ng mahihirap na pasyente at ang pag-a-upgrade ng mga pasilidad ng PGH.

Kung nagagawi po kayo sa PGH, doon ninyo makikita kung gaano kalaki ang pangangailangan ng ospital dahil kailangan nang ayusin ang mga elevator. Ilan na lang ang elevator na pinakiki­nabangan diyan.

Gusto lang natin itanong, may PET scan na ba sa PGH? Malamang wala pa, dahil sa malalaking pribadong ospital lang mayroon nito.

Kumusta naman ang budget para sa suweldo ng mga doktor, nurses, med tech, at iba pang empleyado ng PGH, napagtuunan ba ito ng pansin?!

Malamang hindi, kasi hindi naman sa PGH nagpapagamot ang mayayaman nating mga mambabatas.

Sa isang banda mabuti na rin iyon, huwag na nilang agawan ng serbisyo ang mahihirap nating kababayan.

Pero sana naman, kung hindi ninyo kayang dagdagan ang budget, huwag na ninyong tapyasan.

Alam kaya ng mga mambabatas na mahaba ang pila ng mga pasyente sa PGH kahit sa out-patient department (OPD) lang pero kaunti na lang ang kaya nilang tanggapin dahil sa kakapusan ng budget?!

Hindi nila alam.

Kasi kung alam nila, dapat dinagdagan nila ang budget, hindi tinapyasan.

Ma-drawing pa ang Kamara, ini-restore raw ‘yung P200 milyon sa tinapyas na P456 milyones?!

Ano po ba ang gusto ninyong marinig sa mga mamamayan — thank you?!

Gusto pa ninyong palabasin na may utang na loob ang sambayanan dahil may ini-restore kayong P200 milyones?!

 ‘Yung term nga lang na ‘restore,’ isang malaking panlilinlang na ‘yun e.

Uulitin lang po natin, mga kagalang-galang na mambabatas, dagdagan ninyo ang budget ng PGH, huwag ninyong tapyasan.

At huwag ninyong tsubibohin ang mga mamamayan.        

Ay sus!    

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *