Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Henerasyong Sumuko sa Love, barkada movie na ‘di pabebe

IGINIIT ni Direk Jason Paul Laxamana na ang bagong pelikula niyang handog mula Regal Entertainment ay isang barkada movie na no holds barred.

Hindi siya pabebe, ‘di rin siya pa cute lang,” paglilinaw ng direktor. “Gusto naming ipakita ang totoong suliranin ng mga kabataan ngayon.”

Sinabi pa ni Direk Jason, na nag-hold sila ng audition para makuha ang mga bidang artistang sina Jane Oineza, Jerome Ponce, Albie Casiño, Myrtle Sarrosa, at Tony Labrusca, 

“Talagang sinala namin sila (mga bidang artista) para bumagay sa role. Hindi role ang nag-adjust sa artista,” giit ni Direk Jason.

Puring-puri ni Direk Jason ang kanyang mga artista. “Si Albie ang pinakaraming beses kong naka-work. Siguro apat na. Magaling ‘yan, alam na niya.

“Si Jane, 2nd time ko nakatrabaho, swak na siya.

“Si Myrtle, first time at nag-audition siya at the same time I make sure na kaya niya ang scenes kasi magdyowa sila rito ni Albie, magka-live in, partner. May mga ipinakita kaming hindi pa-cute, more on intimate side.

“Si Jerome, noong una ayaw niya, parang natatakot siya sa role, gusto niya ibang role. Sabi ko ‘alam mo feeling ko ikaw lang ang makagagawa nito.’ Nag-audition naman siya. Sinabi ko sa kanya na, ‘I really see you as a character actor,’ parang level up sa kanyang acting and I’m glad nagpabudol naman siya sa akin.

“Si Tony, nag-click kami niyan, siyempre galing siya ng ‘Glorious,’ pero sabi ko, I don’t want people to see you as a sex object. I want people to see more than that.”

Idinagdag pa ni Direk Paul na ginawa niya ang pelikula dahil, “its for millennials to understand themselves more kung bakit sila nagkakaganyan kasi ang dami kong research na ginawa kung bakit ganito mag-isip ang mga ka-generation ko. So walang singular message sa isa’t isa eh.”

Sa kabilang banda, hindi pa man naipalalabas ang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love, naka-9 million views na agad ang trailer nito. Kaya patunay itong maging malaking impact sa viewers.

Kasama rin sa pelikula sina Kelvin Miranda, Kayla Heredia, Anjo Damiles, at Thia Thomalla, na leading lady ni Alden Richards sa GMA Network’s primetime series na The Gift.

Mapapanood ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love simula October 2.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …