Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken Chan, ipakikita ang buhay ng mga marino sa One of the Baes

AMINADO ang Kapuso actor na si Ken Chan na hindi niya inaasahan na magiging patok ang love team nila ni Rita Daniela. Sa panayam namin kay Ken sa opening ng Beautederm flagship store sa Marquee Mall, ipinahayag niya ang kagalakan sa ibinibigay na suporta sa love team nila ni Rita Daniela.

Pahayag ni Ken, “Lagi po naming sagot ni Rita, hindi po namin inaakala talaga. Ang tawag nga po namin sa mga fans namin, unexpected supporters. Dahil talagang unexpected po talaga ‘yung nangyari sa amin, hindi naman po talaga namin alam na magiging ganito ‘yung pagtanggap sa amin ng tao.

“Kaya sobrang sarap sa pakiramdam na hindi naman po plano, pero plano ni God. Iyon ‘yung masarap sa pakiramdam, ‘yung ibinigay sa iyo ni Lord, ‘yung hindi mo inaasahan.”

Inanyayahan din niya ang publiko na panoorin ang bago niyang show sa GMA-7. ”Iyong One of The baes, ngayong Monday na po ang start niyan, sana po ay panoorin po ninyo. Kasama po namin dito sina Ms. Rita Daniela, Roderick Paulate, Amy Austria, Jestoni Alarcon, Tonton Gutierrez, Melanie Marquez, Maureen Larrazabal, Joyce Ching, Boboy Villar, Archie Alemania, at marami pa pong iba.”

Ano ang aabangan sa kanila rito, sa love team nila ni Rita? “Ibang-iba kami rito ni Rita, kung sa My Special Tatay kami sina Boyet at Aubrey, iba naman dito kasi, actually, pinagpapayat kami ng network, talagang kinausap kami. Mahirap magpapayat e, kapag lunch or dinner na namin sa set, hindi kami binibigyan ng kanin,” nakatawang saad ni Ken.

Pagpapatuloy niya, “So, talagang kailangan naming pumayat at maging fit, kasi rito sa One of The Baes, mga Marine students kami. Iyong training namin dito, kailangan fit kami. Ako rito, sumisisid sa dagat, si Rita, iyong talagang totoong training ng marino, ginagawa namin. So, para talagang maging makatotohanan, ginagawa po namin iyon. May mga nagtuturo sa amin na totoong officers, kasama namin sa mga eksena iyong mga totoong marine students. Nag-undergo po kami ng training sa Bataan, sa Maritime Academy of the Philippines.

“May mga babaeng seafarers na po ngayon, ipakikita po namin dito iyong buhay ng mga marino, buhay ng mga seaman, at saka ‘yung buhay din ng vloggers, ipakikita namin dito,” sambit ng aktor.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga boss ng BeauteDerm. “Mommy Rei thank you so much sa suporta mo sa amin, basta kami ay laging nandito for you, salamat sa iyo, para ka na tala­gang tunay naming nanay. And congratulations sa iyo, kay Papa Sam at sa buong Beautederm family, talaga namang napaka-ingay ng Beautederm at iyon ay dahil sa iyo, we love you and God bless you.”

Maraming ambassadors may sariling store na, siya ba wish na magkaroon din ng sarili niya? “Ay, oo siyempre, wish na wish ko po iyan, kung papalarin po akong magkaroon ng BeauteDerm store, siyempre ay gusto ko po. Kasi po ay sobrang naniniwala ako sa produkto ng BeauteDerm, kahit iyong mga tita ko sa bahay, talagang gumagamit po sila nito. So, balang araw, malay po natin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …