Saturday , November 23 2024

Pasaway na POGOs dapat patawan nang doble-dobleng buwis ng BIR

NANINIWALA ang inyong lingkod na hindi lamang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC), ang dapat ipasara kundi lahat ng tax evaders at pasaway na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) outlets na may operations sa ating bansa.

Klaro na hindi lang sila umiiwas kundi base sa kanilang sistema sinasadya nilang hindi magbayad ng buwis sa gobyernong Filipino.

Mismong si Rep. Eric Yap (magka-apelyido lang po kami) ay nagsabing, “Hindi nasayang ang ating pagod at ipinaglalaban. Simula noong tayo ay manungkulan bilang Chairman ng Committee on Games and Amusement, tayo ay consistent sa pagsasabi na ang POGO operators ay dapat magbayad ng tamang buwis at ibigay ang nararapat para sa pamahalaan. Wala tayong pipiliin at papanigan. Hindi tayo anti-POGO pero tinitiyak ko sa inyo na tayo ay pro-Filipino.”

At ‘yun talaga ang dapat na unang prinsipyo, tayo ay maging pro-Filipino, kung pumapayag man tayong magkaroon ng mga dayuhang negosyo sa ating bansa.

Dapat isipin na kaya tayo nagpapapasok ng dayuhang mamumuhunan ay para makatulong sa ekonomiya ng ating bansa at makapagbigay ng trabaho sa mamamayang Filipino.

Pero kung hindi na nakatutulong sa kabuuang pag-unlad ng bansa ang mga dayuhang negosyo at mamumuhunan, tapos dinadaya pa tayo, e dapat na talaga silang ipasara, patalsikin at sipain palabas ng bansa.

Hindi ba’t diyan dapat magtuon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF)?!

At ‘yan mismo ang ipinagtataka natin sa BIR, bakit kapag maliliit na negosyanteng Filipino, ang higpit-higpit nila. Kung ano-anong multa at bayarin ang ipinapataw, sinasampahan pa ng kaso.

E bakit ngayon ‘yang mga PGO na ‘yan, ini-spoiled pa?! Ang sarap ng buhay!

Ang linaw-linaw, ‘yung 46 doon sa 58 POGOs na inaprobahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay hindi nakarehistro sa business registry, dito sa Filipinas o kahit sa labas ng bansa, pero nakapag-o-operate bilang POGO sa ating bansa.

Kung mayroon nang opisyal na datos ang isang opisyal na ahensiya o institusyon ng pamahalaan, dapat gumagawa na ng karampatang aksiyon ang mga awtoridad.

Wala pa bang aksiyon?! O ‘sacrificial lamb’ lang ang  GECAG. ‘Yun bang masabi lang na umak­siyon sila?!

BTW, ayon sa mga awtoridad, ang GEGAC ay ipinasara dahil sa paglabag sa tax code ng bansa.

Ang kanilang mga tanggapan sa labas ng Subic Freeport Zone, sa Eastwood Quezon City, at Parañaque City ay hindi VAT-registered.

Ganoon din, ang mga banyagang namama­sukan sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis dahil sa kawalan ng withholding tax na ipina­pataw.

Sabi ni Congressman Yap, “Hindi ito katanggap-tanggap. Halos lahat ng manggagawa natin ay nagdurusa at nagbabayd ng buwis nila pati na rin ang ating OFWs na nasa ibang bansa dahil ‘yun ang tama. Kung ang mga foreign workers na nasa POGO industry ay hindi magbabayd ng buwis, utang na loob, umalis kayo sa bansa namin, hindi kayo welcome rito!”

O klaro na?!

Tsupi pasaway na POGOs!   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *