Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louise, natulala sa halik ni Ella

WALA sa mga nakalistang artistang gustong gumanap na Edward ni Direk Thop Nazareno si Louise Abuel pero humanga ang direktor nang makita ang galing niya matapos mag-audition.

Ani Direk Thop, “Normally kasi mayroon akong top picks na pinapupunta sa audition. Feeling ko na puwede na napanood ko somewhere. Pero nakita ko si Louise sa listahan the night before parang naalala ko ‘yung name na ito. Nag-search ako at parang napaka-low key niya at hindi ko alam ang hitsura niya.

“’Yung looks naman niya na matangkad, nag-swak na at ‘yung acting niya eversince magaling siya.

“Si Ella (Cruz) naman nag-audition din at sa pag-reading pa lang naming may kutob ako na kaya niya talaga.”

Dati nang nagkatrabaho sina Ella Cruz at Louise kaya ikalawang beses na nilang magkatrabaho. Kung dati’y mas maliit si Louise kay Ella at ate-ate niya ang aktres, sa Edward ay may kissing scene sila.

Anang binatilyo, “Oo nga po eh. Nabasa ko na po ang script at natanong ko ang sarili ko kung kaya ko ‘yung kissing scene at hindi ko pa laman kung sino ang ka-partner ko.

“Tapos noong sinabing si Ate Ella, ang sabi ko nakasama ko na siya rati pero hindi ko alam kung magiging komportable ako sa kissing scene na iyon.

“Kasi siyempre mahirap na first time lang naming magkita kahit nagkasama na kami before. Siguro mas kakayanin ko kasi kakilala ko siya. Pero nang makita ko siya at gagawin na iyong eksena, nanginig na ako.

“Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko noong oras na iyon,” paliwanag ni Louise.

Sinabi naman ni Ella na sinabihan niya ang batang actor ng, “’Oy relax ka lang.’ Pero grabe amoy na amoy ko na nag-mouthwash siya, nag-toothbrush siya.

“Pero noong time na iyon sinabi ko kay Direk Thop na ‘wag nang i-practice para makuha naming iyong magiging expression ni Louise kasi first time talaga niya sa pelikula at in real life.

“Sobrang raw ‘yung emotions niya na iyon talaga ‘yung kailangan sa pelikula,” sambit pa ni Ella kaya natawa siya nang sabihin ng press na siya ang nagbinyag sa lips ni Louise.

Idinagdag pa ni Ella na naramdaman niya ang paninigas ng kamay ni Louise. Tanda na kinabahan talaga ang binatilyo. “Parang hindi niya talaga ako hinahawakan kaya sinabihan ko siya ng ‘kalma ka lang, dahan-dahan lang.Kasi baka kapag binigla ko ma-shock siya.

“May ilang takes iyong scene na iyon para mas maganda panoorin. At nakuha naman namin na maganda ang eksenang iyon.”

Aminado rin si Louise na first kiss niya si Ella. “Hindi ko alam ang mararamdaman ko noong oras na iyon eh.”

Giit pa ni Ella na natulala si Louise pagkatapos ng paghahalikan nila. “Ang tagal niyang nakatulala kaya tinanong ko siya ng, ‘okey ka lang ba Louise?’

Natulala si Louise dahil, “Parang nakakailang lang, kasi nahihiya ako kay Ate Ella.”

Ang Edward ay tinaguriang “coming-of-age movie” na sumasalamin sa healthcare system at sa government-funded hospitals sa Pilipinas.   Ipinakikita ng pelikulang ito ang katotohanan na sa halip na maging komportable ang mga may sakit, ang kakulangan sa mga medical staff at ang mga sirang kagamitan ay mas nagpapahirap sa kalagayan ng mga pasyente at sa kanilang mga bantay.

Palabas na sa mga sinehan ang Edward simula Oktubre 2, 2019.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …