Wednesday , December 25 2024

Sa PMA… Evangelista pinagbibitiw sa hazing incidents

DAPAT magbitiw sa kanyang puwesto si Philip­pine Military Academy (PMA) superin­tendent Lt. Gen Ronnie Evangelista kasunod ng pinakabagong insidente ng hazing  na ikinamatay ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaug­nay sa panawagan ng isang kongresista na dapat mag-resign si Evangelista bilang pinu­no ng PMA.

Ayon kay Panelo, walang dahilan para manatili pa si Evangelista sa kanyang posisyon kung lalabas na hindi niya nala­la­man ang mga nangya­yari sa akademiyang kanyang pinanga­ngasi­waan.

Bilang isang boss, may kapangyarihan si Evangelista na tiyaking walang nagaganap na hazing sa PMA.

Naniniwala rin ang tagapagsalita ng Palasyo na kailangan magkaroon ng top to bottom account­ability partikular sa hanay ng pamunuan ng PMA.

Kung hindi man aniya kasong kriminal, dapat ay masampahan ng mga kasong administratibo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *