Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenken Nuyad, masayang makatrabaho si Ria Atayde

HAPPY ang mahusay na child actor na si Kenken Nuyad dahil nakatrabaho niya sa unang pagkakataon ang mahusay na aktres na si Ria Atayde, via Parasite Island ng ABS CBN. “First time ko po nakatrabaho si Ate Ria, sooobrang bait po niya. Kasi, lagi niya po kami inaalalayan sa bawat eksena at nang may eksena kami na mahirap, pagkatapos niyon sabi po niya, ‘Ano nasaktan ba kayo?’

“Tapos ay nagkukuwentohan kami sa set, ang bait pala niya. Akala ko po ay hindi, kasi seryoso noong una po kaming nagkita. Idol ko po kapatid ni ate Ria, si kuya Arjo (Atayde) dahil ang galing-galing niya sa The General’s Daughter,” pahayag ni Kenken na napapanood din sa top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Dagdag niya, “Ang Parasite Island po, isa siyang isla na may kababalaghan kung saan nanggaling ang linta at paano nagkaroon ng taong linta.”

Gumaganap si Ria rito bilang asawa ni Rafael Rossel at si Kenken naman ay si Crispin, ang sakristan na inampon ng pari.

Ipinahayag din ni Kenken ang pasasalamat sa mga nasa likod ng Wansapanataym na siyang naghahatid ng Parasite Island dahil nagiging suki na siya rito. “Second time na po nila akong kinukuha sa wansa, kaya nagpapasalamat ako sa kanila and happy po ako…

Abangan sana po nila palagi ang Wansapanataym Presents: Parasite Island, every Sunday po, 7pm.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …