Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga anak nina Marian at Dingdong, most followed sa social media

AMINADO si Marian Rivera na target nilang mag-asawa (Dingdong Dantes) na matapos ang ipinatatayong dream house this year. Pero atubili siyang ibahagi kung matatapos na ba ito at kung saan.

Sa grand opening/ribbon cutting ng flagship store ng Beaute­derm sa Marquee Mall Angeles, Pampanga, sinabi ni Marian na ang asawang si Dingdong na lamang ang tanungin ukol sa kanilang binubuong bahay.

“Ang humble, siya na lang ang tanungin ninyo, ha ha ha,” ani Marian nang kulitin ng press ukol sa kanilang dream home.

Ukol naman sa kanilang mga anak na sina Ziggy at Zia na most followed sa social media, “Talaga naku, nakatutuwa. Sabi ko nga maraming salamat sa mga nagmamahal sa mga anak ko, ‘di ba? Nakatutuwa. Kasi kahit ako aliw na aliw din sa mga anak ko.”

Pagbabahagi pa ni Marian, si Ziggy (bunso) ang nakakuha ng pagiging bungisngisero tulad niya.

Sa kabilang banda, isa si Marian sa pinakamaraming endorsement pero ayaw niyang sabihing siya ang celebrity top endorser. “Ang hirap namang sabihin niyan,” ani Marian. “Pero ang laking pasasalamat ko at kinukuha nila ako para i-endorse sila. At nakakataba ng puso ang pagtitiwala nila at lahat ng ito’y para sa future ng mga anak namin.”

Next month may bagong product na namang ie-endorse si Marian at anak niyang si Zia. “Oo kaya happy ako, sabi ko nga, salamat sa mga biyayang ito dahil mase-secure namin ang kanilang kapalaran, ang kanilang future.”

Alam ni Zia na may TF siya kapag nagwo-work (gumagawa ng commercial) dahil ani Marian, “Noon pa lang kapag may ibinibigay akong bagay sa kanya, sinasabi ko na pinagtatrabahuan koi yon, pinaghihirapan ko kaya dapat inaalagaan niya.

“At saka tinatanong muna namin siya kung gusto niya ang isang produktong ie-endorse namin. Tinatanong muna namin kung ‘gusto mo ba?’ ‘pwede ka ba?’ Kasi nakakapagsalita na naman siya eh. Nakaka-decide na siya. Kapag sinabi niyang, ‘yes mama, gusto ko ‘yan.’ So okey gagawin natin, ‘pag ayaw eh ‘di wag.”

May offer din daw sa kanilang mag-anak ang Beautederm para sa isang endorsement pero hindi muna nila iyon tinanggap dahil mas gusto muna nilang sila na muna ni Dingdong ang magtrabaho para sa mga anak nila.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …