Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marineros, de-kalidad ang pagkakagawa!

MAGANDA ang pagkakagawa ng pelikulang Marineros na idinirehe ni Anthony Hernandez na pinagbibidahan ni Michael De Mesa kasama sina Jef Gaitan, Ahron Villena, Alvin Duckert, Claire Ruiz, Paul Hernandez, Anthony Hernandez, at Jon Lucas, hatid Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production.

Ang pelikulang Marineros ay tumatalakay sa buhay ng mga marino at ng kani-kanilang pamilya, istorya ng pagmamahal na umikot sa istorya ng magkasintahang Karen (Claire) at Vale (Jon) na isang baguhang marinero, pakikipaglaban para makamit ang hustisya ni Michael na isang marinero na nabulag nang madesgrasya  sa kanyang trabaho, sakripisyo ni Kent (Ahron) na nagtrabaho sa ibang bansa habang naiwan ang asawa’t (Valerie) anak sa Pilipinas para  matupad  ang pangarap at ang pag-iwas sa tukso mula sa kanyang babaeng costumer para sa kanyang trabaho bilang waiter sa barko ni  Kelvin (Paul).

‘Di matatawaran ang husay sa pagganap sa kani-kanilang role ng mga artistang kasama rito . Plus factor pa ang pagpapakita ng mga magagandang tanawin ng Bohol na kinunan ang nasabing pelikula.

Very inspiring at kapupulutan ng aral ang Marineros na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa September 20.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …