NANINIWALA si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maisasabatas ang pagkakaroon ng Department of OFW bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Pahayag ito ni Andanar sa gitna ng target ng Duterte Administration, na magkaroon ng marami pang mga batas na ang magbebenepisyo ay mayorya ng mga Filipino sa kategoryang “those who have less in life.”
Ayon kay Andanar, bukod sa mga OFW ay marami pang panukalang batas ang nakalinyang ipursigi ng pamahalaan na maipasa at maging batas na pawang pro-poor.
Inihayag ng kalihim, sa nalalabing mahigit dalawang taon ng Pangulong Duterte sa poder, ay lalong nagdodoble kayod bagama’t maraming batas ang pinagtibay sa ilalim ng kanyang administrasyon, na ngayon ay napapakinabangan at pakikinabangan pa ng mahihirap nating kababayan.
Halimbawa aniya rito ang kalalagdang Murang Kuryente bill, free tuition at iba pa.
(ROSE NOVENARIO)