Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

658 ‘laya’ sa GCTA sumuko sa 15-araw ultimatum ni Digong

TUMAAS sa 658 in­mates ang nasa panga­ngalaga ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabilang sa napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa inilabas na datos ni BuCor Spokesperson Sonny del Rosario, nasa 360 ang nasa panga­ngalaga ng New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security com­pound sa lungsod ng Muntinlupa.

Umabot sa 19 baba­eng preso ang nasa pangangalaga ng Davao Prison & Penal Farm, Correctional Institution for Women.

Habang 131 lalaking preso ang nasa panga­ngalaga ng Davao prison penal farm.

Nasa 43 preso sa (SRPPF) San Ramon Prison & Penal Farm sa Zamboanga City.

Halos 28 preso ang nasa (SPPF) Sablayan Prison & Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Sa Leyte Regional Prison, 20, at nasa 48 sa Iwahig Prison & Penal Farm, habang 9 naman na babaeng preso ang nasa Correctional institution for Women.

Sinabi ni Del Rosario ang naturang bilang ng mga bilanggo ay kusang sumuko matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa loob ng 15 araw ay kailangan sumuko ang mga napalayang preso sa ilalim ng GCTA parti­kular ang may kasong heinous crime.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …