Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong bilib kay ‘Yorme’ (Mas mahusay sa akin — Duterte)

“BILIB ako sa kanya, mas mahusay siya sa akin.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te kaugnay sa per­formance ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa Pangulo, hinahangaan niya ang pagsusumikap ni Moreno sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang alkalde ng Manila.

“May nakita ako na mas mahusay ang resolve niya sa akin. Plus two ako sa kanya,” dagdag ng Pangulo.

Nagpasalamat si Moreno sa magagandang sinabi ng Pangulo tungkol sa kanya.

Anang alkalde, inspi­rasyon niya ang Pangulo sa uri ng lideratong ipina­tutupad niya sa Maynila.

“Thank you for the kind words, Mr. President, but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspi­rasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na mayroon kami,” ani Moreno.

Kuwento ng alkalde, kahit naninigarilyo siya, napipigil niya ito kapag nasa Davao City dahil takot siyang mahuli.

Mahigpit na ipina­tutupad ang “no smoking” ordinance sa Davao City.

“Naalala ko po noong lagi akong nagagawi sa Davao noong araw. ‘Di naman po lingid sa kaalaman ng karamihan, lalong-lalo na ‘yung mga taga-Maynila na ako po ay naninigarilyo. Pero kapag nasa Davao City po ako, takot na takot po akong manigarilyo dahil alam ko pong huhulihin ako,” sabi ni Moreno.

Dagdag niya, hanga rin siya sa mahigpit na implementasyon ng 40 kph speed limit sa Davao City at ang pagsunod ng mga mamamayan sa batas kahit walang naka­bantay na mga pulis sa kalye at kanit anong oras.

“In fact, there was one time, galing po kami ng Tagum, pabalik ng Davao City. Medyo dis­oras na ng gabi, pero biglang bumagal po ang takbo ng sasakyan namin so tinanong namin ‘yung driver kung bakit.

Simple lang ‘yung sagot niya, “Kasi po nasa Davao City na tayo. Kahit gabi ho rito, may pulis man o wala, sumusunod kami sa batas trapiko,” anang alkalde.

Ang klase aniya ng pamumuno ng mga lokal na opisyal sa buong bansa ay repleksiyon ng liderato ng Pangulo kaya’t ganoon na lamang ang pagpa­pasalamat niya sa inspi­rasyong ibinigay ni Pangulong Duterte sa kanila.

“So I think kung ano man ang nakikita nating pagpupursigi ng mga alkalde sa buong Fili­pinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pa­ngu­lo na mayron tayo. As I always say, it is not the severity of the punish­ment itself, but the certainty of getting caught that deters a person from committing a crime. So we owe it to you Mr. President, for inspi­ring us and for becoming a good example to all of us,” giit ni Moreno.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …