Friday , November 22 2024

PACC nakatutok sa tiwaling kawani at barangay officials sa Maynila

NAKIPAGPULONG ang pamu­nuan ng  Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang tala­kayin ang ilang usapin na kina­sasangkutan ng ilang empleyado ng Manila City Hall at barangay officials na tiwali at sangkot sa droga.

Ayon kay Mayor Isko, sa kanilang pagpu­pulong ng PACC sa pangunguna  ni Chairman Dante Jimenez sa Office of the Mayor, binigyan siya ng mga impormasyon hinggil sa iniim­bestigahan nilang empleyado ng city hall at ilang barangay officials sa lungsod ng Maynila.

“They are facing abuse, too much discretion, going against existing laws and procedures, medyo maselan, kapag ‘yun napabayaan lalong gugulo ang mga tao sa Maynila lalo kung hindi naman sila tagarito,” ani Doma­goso.

Ibinunyag din ng alkalde na ilan sa mga kawani at empleyado mg City Hall na iniimbestigahan ngayon ng PACC, ay kasalu­kuyan pa rin nagtatrabaho sa ilalim ng pamunuan ng alkalde.

Paliwanag ni Moreno, ang gina­wang katiwalian ng nasa­bing mga empleyado at opisyal ay nangyari pa noong nakaraang administrasyon.

“They are still here, that is guaranteed by the Civil Service Commission, but they have done it in the past. PACC was fair enough telling us, giving us information that these was done in the recent history. They are still here as employees of Manila City Hall,” dagdag ng alkalde.

Sinabi ni Mayor Isko, mas masaya sana kung sa panahon niya ginawa ang pag-iimbestiga dahil agad niya itong masasawata.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *