Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

6 barangays sa Caloocan pasado sa SGLGB

ANIM na barangay ang masa­yang  nagtipon  kamakalawa ng umaga sa Caloocan city hall grounds upang tanggapin ang parangal ng mga barangay  na pumasa sa pagsusuri ng Caloocan City Validation Team para sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB).

Mainit na tinanggap ang nasabing parangal ng Barangays 67, 170, 176, 177, 178, at 182. Sila ang mga nakakuha ng pasa­dong marka mula sa Caloocan City Validation Team na kinabibilanggan ng Department of Interior and Local Governemnt (DILG), Liga ng mga Barangay, Barangay Secretariat, at Rotary Club-Kalookan North.

Personal na iginawad ni Mayor  Oscar “Oca” Malapitan  ang parangal  sa bawat bara­ngay na tunay na humanga   sa hindi matawarang serbisyong ibinibigay ng bawat barangay sa mga mamamayan ng nasabing lungsod.

“Siguradong patuloy ang pagsisilbi sa tungkulin para sa ikagaganda at ikauunlad ng Caloocan. Nawa’y ang natang­gap na parangal ng anim na Barangay ay maging inspirasyon sa iba pang naglilingkod sa bayan ng Caloocan,” mensahe ni Mayor Oca. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …