Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanel Latorre, wish maging kasing tagal ng Ang Probinsyano ang Bagman

HAPPY ang talented na aktres na si Chanel Latorre dahil may season 2 na ang digital series na Bagman ng iWant na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

Sambit ni Chanel, “I am very happy na may season 2 po ang Bagman. Noong season 1, akala namin ‘til 8 episodes lang kami, tapos naging 12 episodes! So, sobrang blessing po na umabot kami ng season 2 with lots of pasabogs!”

Pabirong dagdag niya, “Sana maging kasing tagal po kami ng Ang Probinsyano, hahaha!”

Ano ang dapat i-expect sa season 2? Tugon niya, “Definitely mas bongga ang season 2! Grabe ang cast! ‘Tsaka, imagine from barbero, governor na si Benjo (Arjo)? What can wealth and power do to a man?

Abangan! New cast include Carlo Aquino, Mon Confiado, Rez Cortez, Ro­sanna Roces, Irma Adlawan, Joel Saracho, at Romnick Sarmenta.

“Hindi pa po ako puwedeng mag-disclose about season 2, basta ang masasabi ko lang po ay kung nagustohan n’yo po nang 100% ang season 1, mas magugustuhan ninyo po ito ng 200%. Plus, kaabang-abang ang new look ko, char!

Naikuwento rin ni Chanel ang iba pa niyang pinag­kakaabalahan, pati na ang pagiging part niya ng TV series na Prima Donnas nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa na napapanood Mondays-Fridays, 3:25 pm sa GMA-7.

“Aside from Bagman 2, part din po ako ng Prima Donnas, as Dindy na best friend ni Katrina. Nag-shoot din po ako ng episode para sa upcoming series ng Cignal na Shrinking Village. Si direk Adolf Alix po ang director at kasama ko po rito sina Alex Medina, Lovely Abella, at Alex Diaz. Very unique ang stories and highly recommended ko po ito sa mga kabataan ngayon!

“Katatapos lang din po ng indie film na Lukas kasama po sina Jao Mapa, Rez Cortez, Janice Jurado, directed by Lester Dimaranan na kasalukuyang umiikot sa mga school. Currently shooting a film po entitled Amir kasama sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Cris Villonco at Arianne Bautista, directed by Metz Espinosa. Kaabang-abang ito dahil napakahusay ng mag-asawa at maraming makare-relate rito lalo sa mga nga toxic na relationships.

“Patuloy pa rin po ang pagtakbo ng company ko na Komorebi White na masaya ako na pinarangalan ng Global Awards bilang Most Trusted Organic Skincare brand kamakailan. Mayroon na akong 15 resellers na sana madagdagan pa,” wika ni Chanel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …