PATULOY ang pagdating ng magagandang projects kay Andrew Gan. After mag-guest sa Wish Ko Lang, Dear Uge at MMK, naging bahagi si Andrew ng Mga Batang Poz, isang digital series ukol sa Filipino teenagers with human immunodeficiency virus (HIV). Ang ibig sabihin ng term na poz ay taong HIV positive. Ang six-part series ay pinangungunahan nina Awra Briguela, Mark Neuman, Fino Herrera, at Paolo Gumabao.
Si Andrew ay bahagi rin ng horror series na Cuerpo Y Alma at ngayon ay napapanood din sa Kadenang Ginto ng ABS CBN.
Ano ang papel niya sa Kadenang Ginto? “Bale, coach po ako sa basketball nina Kyle at Mikoy doon,” sambit ni Andrew.
Ano ang reaction niya na nakalalagari siya sa Dos at Siyete?
Aniya, “Blessed po tito. Nag-start naman talaga ako sa Dos, sa Doble Kara bago po ako nag-Super Maam. Freelance po ako at mas okay po ‘yung ganoon, hehehe. Ito po ang perks ng freelancer, hahaha!”
Dagdag niya, “Kaya nasabi ko nga po na thankful ako sa mga project at sa chance na ibinibigay sa akin. So, sabi ko sa sarili ko, every project, every role, at every scene na gagawin ko, isasapuso ko talaga, maliit man or malaki ‘yung role.”
Bukod sa kaliwa’t kanang TV appearances ni Andrew, mapapanood din siya sa pelikulang tatampukan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza titled Isa Pa With Feelings ng Black Sheep at APT Entertainment.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio