Thursday , June 4 2026

Duterte sinibak si PRRC Executive Director Goitia

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jose Antonio E. Goitia bilang Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagsibak kay Goitia ay alinsunod sa kampanya ng administrasyon laban sa korupsiyon.

“The termination is made pursuant to the President’s continuing mandate to eradicate graft and corruption, and to ensure that public officials and employees conduct themselves in a manner worthy of public trust,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, hindi nagustohan ng Pangulo ang mga sum­bong na pango­ngolekta ng PRRC sa mga nego­syante at pamamalitang itata­laga si Goitia bilang Customs commissioner.

Inatasan si Goitia na isumite ang lahat ng hawak niyang opisyal na dokumento sa Office of the Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services ng Commission.

“We hope that this shall serve as another example that this Administration does not — and will never — tolerate corrupt practices in the bureaucracy and in public service,” dagdag ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …