Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia at JM, sobrang ginalingan; Mga bida sa Pamilya Ko, walang itatapon

NAPAKAHUHUSAY! Ito ang sinabi ng lahat ng nakapanood ng celebrity screening ng Pamilya Ko noong Miyerkoles ng gabi sa Cinema 7 ng Trinoma.

Mula kina Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Arci Munoz, at Joey Marquez talaga namang mapapanganga ka sa galing nila. Dagdag pa ang mga gumanap na anak nina Sylvia at Joey na sina Kiko Estrada, na effective na pasaway na kapatid, Kid Yambao, Jairus Aquino, ang maarte at umeeksenang si Maris Racal, Kira Balinger, ang funny at manggagayang si Mutya Orquia, at ang pinakabunsong si Raikko Mateo.

Hindi rin nagphuli ang mga gumanap na lola at lolong sina Perla Bautista at Noel Trinidad gayundin ang other woman na si Irma Adlawan.

May kanya-kanyang moment ang mga bida pero angat na angat talaga ang galing nina Sylvia at JM. Mapapamura ka sa husay ni JM lalo na roon sa hospital scene nang inatake si Joey at nagharap silang mag-ina na sinisisi ni Sylvia si JM sa nangyari kay Joey. At nang sagutin ito ng aktor na, siya man ay nawalan ng ina.

Literal na bumaha ng luha sa nasabing celebrity screening at umalingawngaw ang palakpakan at hiyawan sa galing ng mga bida sa Pamilya Ko.

Si JM ang responsableng panganay na anak si Chico, ngunit isang trahedya ang maglalayo sa kanyang pamilya na siya ring dahilan para ilagay siya ng kanyang mga magulang sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Sa kabila ng malagim na nakaraan, susubukan pa rin ni Chico na mapalapit sa kanyang magulang at mga kapatid. Pero agad ding mauudlot ang kanilang saya dahil isang sikreto ang mabubunyag na gugulo sa kanilang buhay: may ibang babae ang kanilang amang si Fernan. Dito uusbong ang ibat’-ibang problemang susubok sa katatagan ng pamilya Mabunga at maging sa pagkatao ni Chico.

Sa Setyembre 9 na matutunghayan ang Pamilya Ko na tiyak makare-relate ang lahat ng manonood. Naiibang istorya ito na tiyak kaming pupukaw na naman sa bawat damdamin ng televiewers.

Kung nagustuhan ninyo ang mga naunang pampamilyang serye ni Sylvia, ang The Greatest Love at Hanggang Saan, mas magugustuhan ninyo itong Pamilya Ko. Isang paalala lang, maghanda na agad kayo ng inyong mga panyo sa panonood dahil umpisa pa lang maiiyak na kayo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …