Saturday , November 23 2024

“Toilets for all gender stripes” ipinagmalaki ng Tourist site sa Palawan farm

SUMISIKAT ngayon ang isang farm tourist destination sa Palawan sa pagkonsepto ng isang ‘gender sensitive’ na palikuran para sa lahat ng uri ng kasarian.

Dalawang taon na simula nang buksan ng Yamang Bukid Farm sa Barangay Bacungan, sa lungsod ng Puerto Princesa, ang palikuran na ipinagagamit sa lahat kahit ano ang kanilang sexual orientation.

Sa pangangasiwa ng mga nakatatandang kaba­baihan sa Yamang Bukid Farm, ang paliku­ran ay nahahati nang maluluwag na pasilyo para sa may mga markang ‘girl,’ ‘boy,’ ‘bakla,’ at ‘tomboy.’

May bubong na yari sa mga indigenous na materyales ang pabilog na palikuran na gawa sa konkreto at naging tourist attraction din ito sa mga bumibisita.

Sa labas nito ay may porselanang lababo at gripo na hugasan ng kamay.

May inodorong de-flush at bidet hose para panglinis ng lahat ng cubicle ng palikuran.

Sa labas nito ay madaling mabasa ang mga pangalan sa ibabaw ng bawat isang pinto na gawa sa kahoy.

Sa puting tinta na nakasulat sa itim na background, mababasa ang GIRL, BOY, BAKLA at TOMBOY sa bawat pintuan.

Kung ang salitang bakla at tomboy ay tila nakasasakit sa damdamin ng iba, para naman kay Bobby Arzaga, isang Palawan-based vlogger at receptionist para sa Farm, ang mga terminong ginamit dito ay para i-describe ang sexual label at walang halong malisya o intensiyon na makasakit ng damdamin.

“I’m not offended because that’s how I want people to see me. I don’t know with other gays if they’re offended, though,” saad ni Arzaga na gumagamit ng pasilyo na may label na bakla imbes sa ‘boy.’

Subsidiary ng health and wellness products-maker na Yamang Bukid Healthy Products Inc. (YBHPI) ang The Farm na lugar para sa organic-based agriculture.

May adbokasiyang equality para sa lahat, na niyayakap at rumerespeto sa lahat ng gender stripes, ayon sa designer ng palikuran na si Benjie Monegasque.

“This is a reflection of doing business with a heart. Yamang Bukid welcomes and embraces all gender. The Yamang Bukid brand promotes equality, respect and tolerance,” wika ni Monasque.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *