Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapa-cute ni Joey kay Sylvia, ‘di umepek

MUNTIK na palang nagkaroon ng relasyon sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez noon. Hindi lamang natuloy iyon dahil may Alma Moreno na ang actor.

Ani Sylvia, sinisipat-sipat na siya noon ni Joey. “Siguro kung wala siyang Alma noon at pumapasok na rin naman si Art (Atayde) baka naging kami.”

Nakagawa pala sila ng apat o limang pelikula ni Joey kaya naging magkaibigan sila.

Sinabi naman ni Joey na gandang-ganda siya kay Sylvia.

“Napakaganda ni Ibyang,” sambit ni Joey. “Napaka-sexy, napakaputi, at saka madaling pakisamahan,” anito pa.

At kapag niloloko-loko siya noon ni Joey, ang panakot niya ay si Alma.

“Mapapa-stop siya kapag nandiyan si Alma. Kasi, alam kong wala, eh. Lokohan.”

Ikinatuwa naman ni Sylvia na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Joey. Aniya, sobrang chickboy si Joey. “Baka hiwalay na kami ngayon. So ngayon, nagtatawanan na lang kaming dalawa.”

Nanatili ang pagkakaibigan nina Ibyang at Joey kaya naman masaya ang pagsasama nila sa bagong handog ng Kapamilya, ang Pamilya Ko na magpapakita sa pagsubok na hinaharap ng bawat pamilya—mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya—at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila—pagpapatawad, pagtanggap, at pagmamahal.

Mapapanood ito simula Setyembre 9 at makakasama nila sina JM De Guzman Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris RacalKira Balinger, Mutya Orquia, at Raikko Mateo.

Kasama rin sina Arci Muñoz, Irma Adlawan, at Alyssa Muhlach mula sa direksiyon ni Raymund Ocampo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …