Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael de Mesa, ‘di namimili ng role

AMINADO si Michael de Mesa na masaya siya sa itinatakbo ng kanyang career kahit hindi siya madalas magbida, mapa-pelikula man o telebisyon.

Sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Marineros na mapapanood na sa Setyembre 20 handog ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Productions Inc., sinabi ni Michael na hindi na niya matandaan kung kailan siya nagbida. “But it’s always been like a major supporting role na minsan matatawag mong lead/support, pero ‘yung lead talaga, I can’t remember,” paliwanag ni Michael na gumanap na isang seaman sa pelikula na nagkaroon ng aksidente na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang paningin.

Ani Michael, hindi siya namimili ng role, mapa-supporting man o bida.

“I did not limit myself also to certain characters. I became very, very open sa lahat. Kung anuman ‘yung dumating sa akin at alam kong kaya ko, gagawin ko. Kaya rin siguro napagkakatiwalaan ako na bigyan ng iba-ibang role kasi nagagampanan ko rin naman,” sambit pa ni Michael.

Inamin pa ni Michael na hindi naman niya pinangarap na maging sikat, tanging gusto lamang niya ay maging actor at umarte.

“I’ve never really dreamt of being a star,” sambit pa ng actor.

Kasama rin sa Marineros sina Ahron Villena, Jon Lucas, Alvin Nakasi, Clair Ruiz, Jef Gaitan, Paul Hernandez at iba pa at idinirehe ni Anthony Hernandez, ang tinaguriang advocacy director.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …