KUNG si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay naging ehemplo sa paglilinis ng buong Maynila at pagtatanggal ng mga obstruction sa kalye, si Parañaque Mayor Edwin Olivarez ay puwedeng pamarisan sa kanyang malasakit at pagpapanatili ng dignidad ng pulisya sa kanilang lungsod.
Bakit natin nasabi ito?
Aba, sa bagong proyekto ni Mayor Edwin Olivarez ay pinatayuan niya ng two-storey o three-storey building ang mga Police Community Precinct (PCP) sa lungsod.
Ibig sabihin, ayaw ni Mayor na magmukhang iskuwater ang mga lespu ng Parañaque.
Kabilang diyan ang PCP 3 sa Barangay Sto. Niño, PCP 5 sa Barangay BF, at PCP 6 sa Barangay Don Bosco.
Sa kasalukuyan ay on-going ang construction ng PCP 5 at PCP 6 at mismong Parañaque City Police headquarters.
Alam ba ninyong, perennial problem ng Philippine National Police (PNP) na marami silang headquarters at police stations na hindi sa kanila ang kinatatayuan kaya kapag kailangan na ng may-ari ay para silang iskuwater na gigibain ang estasyon at maghahanap kung saan sila lulugar.
Maraming beses na nangyari ito sa Maynila at sa iba pang lugar sa Metro Manila.
Pero sa Parañaque City, ayaw ‘yan mangyari ni Mayor Olivarez kaya sa kanyang inisyatiba ay ipinagpatayo niya ng gusali ang pulisya.
Aba, napakasuwerte naman ni ni P/Col. Rogelio Rosales at mayroong alkalde na gaya ni Mayor Olivarez.
Sana’y gayahin din ng ibang mayor ‘yan.
Mabuhay ka Mayor Edwin Olivarez!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap