WALANG malalabag na batas kapag ibinalik sa kulungan ang convicted criminals na pinalaya batay sa good conduct time allowance.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil kung hindi aniya kalipikado sa probisyong nakasaad sa Republic Act 10592 o GCTA ang pinalayang bilanggo ay puwede siyang ibalik sa kulungan.
Bahala na aniya ang Department of Justice at Bureau of Corrections sa pagpapasya kung ipadarakip muli ang mga nakalayang bilanggo.
Nauna nang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na itigil ang pagpapatupad ng GCTA at repasohin ang lahat ng dokumento ng mga nakalaya at palalayaing bilanggo alinsunod sa naturang batas.
(ROSE NOVENARIO)