KOMPIYANSA pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faledon kahit sumingaw ang paglaya ng apat na convicted drug lords at muntik na paglaya ni convicted murderer-rapist at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
“E, hangga’t hindi nagsasalita si Presidente, the presumption is he still have the trust and confidence,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Diskarte na aniya ni Pangulong Duterte kung ano ang magiging kapalaran ni Faeldon.
Nauna rito, ilang mambabatas ang nanawagan sa pagsibak kay Faeldon bunsod nang pagpapalaya sa mga convicted sa heinous crimes sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) kahit hindi sila kalipikado.
(ROSE NOVENARIO)