Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian Ward, happy sa tiwala ng GMA-7 sa Prima Donnas

ISA si Jillian Ward sa bida sa TV series na Prima Donnas na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chan­da Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa. Mula sa pamamahala ni Direk Gina Alajar, mapapanood ito Mondays-Fridays, 3:25 pm sa GMA-7.

Kasama sa tatlong prima Donnas sina Althea bilang Donna Marie, Sofia bilang Donna Lyn, at si Jillian bilang Donna Belle. Nagpatikim nang kaunti si Jillian sa role niya sa kanilang serye sa Siyete.

“Ako po rito si Donna Marie, ‘yung pinakaresponsable po sa aming magkakapatid. Ako po

‘yung parang pangalawang nanay nila Donna Belle at Donna Lyn, kasi po nahiwalay kami sa nanay namin noong bata pa lang po kami,” saad niya.

Ano ang reaction niya dahil this time isa na siya sa bida sa serye ng GMA-7?

Tugon ni Jillian, “Medyo ninenerbyos din po kasi siyempre first ever role ko po talaga na mas matured na… may laman na po talaga ‘yung mga eksena, hindi na po katulad ng dati na parang laro-laro lang po para sa akin ‘yung kapag nasa set ako.”

Ano ang masasabi niya sa casts at kanino siya pinaka-close rito?

“Close naman po ako sa lahat, kasi mababait po sila at madali pong katrabaho. At siyempre po masa­ya ako talaga, kasi pinagkatiwalaan na naman po ako ng GMA-7 sa project na ito.”

Dagdag ng magandang young actress, “Sina Althea and Sofia po ay naka­tutu­wang kasama. Actually, sa set po ay parang magka­patid na rin po kami.

Bale ang pinaka-bonding po namin sa set, kasi ay magkakasama po kami sa tent, kaya kapag po walang eksena, pinapatay po ang ilaw at nagmu-music po kami and naglalaro ng Mobile Legend, tapos nagkukuwentohan po, ganyan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …