Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Public roads nabawi sa clearing ops ng Taguig City

NABAWI na ng lungsod ng Taguig  ang mga pam­publikong kalsada na ginagamit sa pribadong interes.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang accomplishment ay naisagawa na, sa kalahati ng 60-day deadline na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang linisin ang lahat ng kalsada sa bawat lung­sod.

Ang pagpapataw ng deadline ay alinsunod sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nang binigyang-diin niya na dapat muling mabawi ang lahat ng kalsada na ginagamit para sa pribadong interes.

Tiniyak ng lungsod ng Taguig na ang lahat ng mga daanan ay naga­gamit ng publiko. Noong 2010 pa nagsimulang magsagawa ng clearing operations ang pama­halaang lungsod.

Ang pagpapaalala at direktiba ng Pangulo ay nagbigay inspirasyon sa lokal na pamahalaan ng Taguig upang magpasa ng executive order na nakapokus sa long-term mobility ng lungsod.

Ang simple ngunit komprehensibong layunin ng EO ay gawing mabilis at ligtas ang mga daraa­nan ng mga pedestrian sa naturang lungsod .

“We just intensified our clearing operations and we are continuing to work with the community so we can move to the next phase of our mobility operation,” wika ni Mayor Lino.

Sinabi ng alkalde, para mapanatili at maging malinis ang mga kalsada kinakailangan na mas isaayos ang mga polisiya, baguhin ang kultura ng mga residente at magsagawa ng mga impraestruktura na makatutulong dito.

Ang umiiral na Taguig Vehicle Pedestrian at Mobility Plan ay mas isinaayos at ibinatay sa 10-point agenda ni Mayor Cayetano na nagbibigay-diin sa pangangailan ng safe city para sa bawat mamamayan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …