Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy 2, naninibago sa tawag na Direk; humingi ng advise kina Mang Dolphy at Eric

AMINADO si Boy 2 Quizon na hindi pa nagsi-sink-in ang pagiging direktor bagamat nakatapos na siya ng isang pelikula na para sa Pista ng Pelikulang Pilipino mula sa Spring Films, ang I’m Ellenya L na nagtatampok kina Maris Racal at Iñigo Pascual.

“Hindi ko nga alam kung paano ako magre-response,” ani Dos (tawag sa aktor). ”Hindi pa sanay eh, naninibago pa.”

Ang I’m Ellenya L ay ukol kay Ellenya (Maris), ang simple at ambisyosang 21 year old na gustong maging big time vlogger pero kulang naman sa galing o talino.

Ani Dos, makikita ang touch ng kanyang Lolo Dolphy sa kanyang pagdidirehe sa mga artistang kasama niya. Bida rin kasi rito ang mga artistang nakasama ni Mang Dolphy sa ilang shows at pelikula tulad ni Nova Villa, isa sa paboritong leading lady ng kanyang lolo gayundin si Gio Alvarez na anak naman ni Mang Pidol at nakasama niya sa comedy series na Home Alone Da Riles.

Sinabi pa ni Dos na makikita ang mga value sa pelikulang idinirehe niya. ”Of couse, aware naman ako at happy ako na nagkaroon ako ng ganitong opportunity. And timing na nagkaroon ako ng ganito, na may nagawa naman akong ganito.

“Kasi buong buhay ko nalinya ako sa lolo ko (kasa-kasama) sa ‘Home Alone Da Riles.’ Umabot din naman ako sa point na ano ba ang iba ko pang pwedeng gawin.. sa pag-aartista naman umabot din ako na pinipili ko ‘yung gusto kong gawin. Umabot din sa timing ‘yung kung magdidirehe ako.

“At nabigyan din naman ako ng opportunity na idirehe ang isang bagay na naiisip namin na kami ang nagki-create.

“Happy ako na ‘yung genre na nagre-represent ‘yung legacy ng pamilya namin (Quizon, comedy) but doesn’t mean na at far doon sa nagawa niya (Mang Dolphy). May sariling style sa brand ng comedy (Mang Dolphy) na makikita n’yo naman na iba ito roon sa nagawa niya. Kasi iba ‘yung nagawa niya, hindi ‘yun mapapalitan o magagaya.”

Sinabi pa ni Dos na humingi siya ng advise sa tito Eric Quizon niya na isa ring direktor.

“Umabot pa ako sa heritage, sa puntod ni Lolo. Umabot sa puntong nakikipag-usap ako sa lahat ng tao. Dasal-dasal laging konektado. Bago nag-umpisa ‘yung project, madalas ako sa Heritage. Kahit noong nabubuhay pa ang Lolo ko, lagi akong humihingi ng advise sa kanya.

“Nakalakihan ko na ‘yun eh (paghingi ng advise). Siya ‘yung rason kung bakit ako naging part ng industry. Sa lahat ng advises na ibinibigay niya sa akin, andito pa rin ‘yun pati si Kaiz (Eric), humingi ako ng tamang advises from him.

“Maliban doon ‘yung totoong nagbigay sa akin ng encouragement to do this eh ang taong ito, si Neil Arce. Mayroon kasi akong tendency na nag-o-overthink sa mga bagay, itong taong ito ang nagsasabi sa akin na ‘wag isipin ang mga bagay-bagay.”

Kasama rin, ani Dos, sa nagbigay ng encouragement sa kanya para magdirehe sina Bb. Joyce Bernal at Piolo Pascual. ”Masasabi ko na ‘yung journey ng proseso na ito medyo mahirap, pero in-enjoy ko at surrounded ako ng mga legit na tao.”

Kung tutuusin, hindi naman ang pagdidirehe ang unang masasabing experience ni Dos sa likod ng camera. Isa rin siya sa mga producer ng mga pelikulang 10000 Hours, Camp Sawi, Sid and Aya, atUlan.

“As I come from a family who made their business in this genre. I made sure that laughs will be plenty. We took careful consideration of the classic way of doing gags, but also making sure we injected our own brand of new, organic and subtle humor.”

Ang I’m Ellenya L ay prodyus ng Spring Films, N2 Productions, at Cobalt Entertainment at mapapanood na simula Setyembre 13 bilang parte ng PPP.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …