Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison

Kuwaiti national himas rehas sa aring inilabas

BUMAGSAK sa kulu­ngan ang isang Kuwaiti national

na naghangad ng ‘ligaya’ nang ilabas ang kanyang ari at nilaro sa harap ng isang babaeng make-up artist sa isang hotel room sa Makati City, nitong Lunes ng hapon.

Nasa custodial facility ng Makati City Police at nahaharap sa kasong unjust vexation ang suspek na si Alenezi Saleh, Kuwaiti national, pansamantalang nanunu­luyan sa Room 1726, As­cott Hotel, Ayala Center, Barangay San Lorenzo sa nasabing lungsod.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Joy, 22 anyos, isang make-up artist.

Batay sa ulat, dakong 5:30 pm nang maganap ang insidente sa loob ng Room 1726 sa naturang hotel.

Nauna rito, kinuha ng dayuhan ang serbisyo ng biktima upang lagyan siya ng make-up.

Pero sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ng biktima, bigla umanong naglabas ng ari ang suspek at nilaro ito kasabay ng paghiling ng dayuhan sa biktima na imasahe siya nito.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa mga guwardiya ng hotel saka ipinahuli ang dayuhang suspek.

Ang kaso ay iniim­bestigahan ng Women and Children’s Protection Desk. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …