Saturday , November 16 2024
money thief

P.2-M ‘sinikwat’ ng Chinese staff sa IT company

TINANGAY ng isang Chinese national ang idedepositong P200,000 cash ng pinagta­tra­ba­hu­ang kompanya sa Makati City, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Makati City police chief P/Col. Rogelio Simon , ang suspek na si Ming Meng, 29, Chinese national, IT Technology ng Hua Xin Global Support Inc., residente sa SM Jazz 1512 Tower B sa nasabing lungsod.

Base sa ulat ni P/Cpl. Marlyn Wacdisen, may hawak ng kaso, bandang 5:30 pm nang mangyari ang pagnanakaw sa loob ng opisina ng Hua Xin Global Support Inc., na matatagpuan sa 09-18F Corporate Tower 2, Ayala Circuit, Makati City.

Sa imbestigasyon, tinangay umano ni Meng ang P200,000 cash ng kompanya na nakatak­dang ideposito at agad na lumabas ng opisina.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nabuko ito ni Jeofanie Abestano, pro­tection agent ng kom­panya, kaya agad nahuli ang dayuhang suspek at nabawi ang nasabing pera.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at inireklamo ng kasong qualified theft ng biktimang si Su Thiri Win, 28, isang Myanmar national, kinatawan ng kompanya.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *