Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBP records official itinumba sa parking

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa pananambang ng hindi kilalang suspek lulan ng motorsiko habang binubuksan ang gate ng parking area kahapon ng hapon sa Muntinlupa City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruferto Traya, 53, assistant chief ng NBP Documents Section at nakatira sa Type B, NBP reservation Compound, Brgy. Pobla­cion, Muntinlupa.

Namatay noon din ang biktima dulot ng isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa kanyang katawan.

Dakong 1:40 pm nang maganap ang insidente sa Amparo St., Brgy. Pobla­cion, sa naturang lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng puli­sya, binubuksan ni Traya ang gate ng parking area para ilabas ang kan­yang sasakyan nang biglang huminto ang isang motor­siklo at agad binaril ang biktima sa ulo.

Habang nakahan­dusay, binaril pa nang dala­wang beses sa kata­wan ang biktima saka mabilis na tumakas ang suspek kasama ang alalay niyang nakamotorsiklo na nagsilbing back-up mata­pos isagawa ang pama­maril.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon ng pulisya  at inaalam ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

ni MANNY ALCALA

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …