Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ipoprodyus ang reunion movie nina Sharon at Gabby

IT’S official: hindi na kabilang sa Magic 8 ng MMFF ang pelikula ni Kris Aquino kasama si Gabby Concepcion.

Matatandaang una munang kinunan ang mga eksena ni Gabby, at kahit hindi pa kailangan sa set si Kris ay binisita niya ang aktor with matching sanrekwang pasalubong.

For starters, isa si Kris sa mga nagprodyus ng nasabing pelikula along with Quantum Films na pag-aari ni Atty. Joji Alonzo. Out of goodwill nga ang pagbibigay ni Kris ng mga regalo kay Gabby.

Ikinatuwa rin ni Kris ang pagpayag ni Gabby bilang replacement ni Derek Ramsay na nag-back out sa project dahil hindi nito maisisingit sa kanyang taping sked ang (K)ampon. Kaso, hindi naabisuhan ng produksiyon ang komite na namamahala sa mga entries kaugnay ng replacement kay Derek.

Ang lagay pa niyan, hindi pa man nagsu-shoot si Kris ay umabot na nang milyon ang gastos ng (K)ampon.

Bagama’t inabot ng kamalasan ang pelikula, Kris might still consider doing the film kahit hindi na ito intended para sa MMFF.

Samantala, willing ding iprodyus ni Kris ang much-awaited return on the big screen ng tambalang Sharon Cuneta-Gabby.

Para sa kaalaman ng publiko, hindi pa man pumapalaot si Kris sa showbiz ay big fan na siya ng Sharon-Gabby loveteam.

Tandang-tanda pa namin ang isa sa kanyang mga early TV guestings in 1986 na inamin niyang tinatangkilik niya ang tandem na ito.

Balak nga ni Kris na gawan ng sequel ang Dear Heart nina Sharon at Gabby, and why not? Baka sa pagkakataong ‘yon ay wala nang maibibigay na alibi si Gabby for not wanting to do a reunion movie with his ex-wife.

Walang duda that Kris can charm her way through. After all, very close pa sila ngayon ng Megastar despite their political differences in the past.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …