Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Rei Tan, kapamilya ang turing sa Beautederm ambassadors

SOBRA ang pasasalamat ng lahat ng Beaute­derm ambassadors/endorsers sa lady boss nitong si Ms. Rei Tan. Kapamilya kasi ang turing niya sa kanila at hindi lang endorsers, kaya binibigyan din sila ng opportunity ni Ms. Rei para maging negosyante, store owner, at pagkakitaan ang ini-endorse na Beautederm products.

Sa panig ni Ms Rei, sinabi niya ang tunay na nararamdaman sa kanyang product ambas­sadors. “Parang gift ko na rin sa kanila iyon, e. Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi rin naman ako magiging ganito. Give and take talaga sa buhay. Hindi ‘yung palagi na lang akong nagte-take. At saka iyon ang tunay na nararamdaman ko for them, kapamilya talaga, para na kaming magkakapatid, parang mga anak ko na ‘yung mga mas bata, tapos iyong iba ay parang mga kapatid ko talaga.”

Ano ang message niya para sa kanyang ambassadors? “Sana we stay like this forever. Masaya, kasi family talaga ang turing namin sa isa’t isa. Mahal na mahal ko silang lahat.”

Nagkaroon ng masayang bonding ang Beautederm family last week sa pangunguna ng CEO at owner na si Ms. Rei. Nasabay ito sa 11th birthday ng bunso ni Ms. Rei at Sir Sam na si Audrey Kirsten sa tahanan nila sa Villa Angela Subdivision, Angeles City, Pampanga.

Present sa nakapasayang party ang Face of Beautederm na si Ms. Sylvia Sanchez, kasama ang iba pang ambassadors like Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Ryle Santiago, Sherilyn Reyes Tan, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Anne Feo, Jane Oineza, Pauline Mendoza, San Manuel Tarlac Mayor Donya Tesoro, Parañaque Councilor Stephanie Teves, Bulacan Board Member Alex Castro, si Pareng Chuck Gomez, at iba pa.

Dito’y masayang nabanggit ni Ms. Rei na lalagpasan pa nila ang unang target na Road to 100 pagdating sa pagbubukas ng Beautederm stores nationwide bago matapos ang taong ito. Kasama na rito ang bubuksang stores ni Ms. Sylvia sa QC at SM Butuan na kasosyo ang anak at ambassador ding si Ria Atayde. Magbu­bukas din ng stores ang iba pang ambassadors gaya nina Rochelle, Alma, Sherilyn, Alex, at iba pa. Aabangan pa ang bonggang Beautecon sa Nobyembre kasabay ng pagdiriwang ng 10th anniversary ng Beautederm.

Ang ilan sa star-studded ambassadors ng BeauteDerm ay sina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Carlo Aquino, Kitkat, Matt Evans, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …