Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ced Torrecarion, aminadong adik sa spa

THANKFUL si Ced Torrecarion sa magan­dang takbo ng Dolce Far Niente Wellness Spa business nila ng GF niyang si Lee Ann. Sa loob ng four months ay dalawa agad ang naging branch nila, ang una ay sa Makati (located sa 8900 Samviet Place P. Victor Street, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City) at sumunod ay matatagpuan sa 53-A Road 3, Project 6, Quezon City.

In-emphasis ni Ced na strictly business ang kanilang spa. “Ang aming spa, sobrang clean and proper kaming lahat. Even our therapists, we’re very strict with how they look. They should look clean, they should talk clean and they act clean. That’s our tagline: Clean Massage Only,” seryosong wika niya.

Inusisa namin ang Kapamilya actor na napapanood ngayon sa Los Bastardos kung sinong celebrity na ang nakatikim ng kanilang alagang Dolce Far Niente Wellness Spa? Tugon niya, “Si Ejay Falcon, he’s one of our loyal clients. Tapos sina Michael Flores ‘pag nasa basketballl kami, Direk Richard Arellano…

“Tapos si Tita Glo (Gloria Diaz), si Tita Glo is very choosy. Kailangan kapag tiningnan niya ‘yung therapist, mukhang malinis, mukhang mabango. ‘Pag hindi, out agad iyan, ‘di na niya paga­galaw ang katawan niya, niyan. Tapos, kasi we’re working now with Los Bastardos, e, when I asked, ‘Oh tita, how was your massage?’ ganyan, ganyan…One word lang ang sagot niya, ‘Great.’ Nakatulog daw siya. Kasi turo namin sa therapists namin, when they start, from the middle, hanggang pagkatapos, consistent dapat ‘yung massage. Iyong ibang spa kasi, kapag patapos na, humihina… bawal sa amin ang mandaya.

“Kami ni Lee Ann, like three times a week, nagpapa-mas­sage kami, ‘yun ang bonding namin, so I thought why not put up a spa?” sambit ni Ced.

So spa addict sila? “Sobra! Sobra! ‘Yun lang ‘yun, kasi ako I play basket­ball, I’m very active, I do a lot of stuff. So ‘yun lang ang parang bisyo namin. Ang prime benefit kasi ng massage, para maganda ang blood circulation, tapos sa depression, anxiety, nakakatulong siya.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …